CODE 08

4.3K 214 30
                                    

CODE 08: Mark

          "Sigurado ka ba talagang sa desisyon mong ito, Xeron?"

          Bigla kaming huminto ni Xeron sa tapat ng isang asul na pader saka may mga binanggit na naman siyang mga numero saka unti-unting bumukas ang pader na iyon sabay iniluwa ang isang malawak na silid.

          "Malaki ang matutulong ni Fistto sa'yo, Oanna. Magtiwala ka lamang sa kanya."

          "Ngunit..."

          Hindi ko na maituloy ang iba ko pang sasabihin dahil maging ako ay hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi ko gustong mapag-isa kasama si Fistto sa iisang lugar. Marahil siguro naiisip ko pa rin ang kinikimkim niyang galit para sa akin.

          "Isipin mo na lamang na para rin ito sa iyong ikakaunlad, Oanna." Sabi sa akin ni Xeron saka niya ako marahang tinulak papasok sa loob ng kwarto na ito.

          "Ngunit paano kung bigla na naman niyang itutok sa akin ang kanyang espada? Paano kung bigla na lang niya akong paslangin?"

          "Hindi niya magagawa iyon, Oanna." Sabi ni Xeron saka niya marahang inilagay sa ibabaw ng ulo ko ang isang kamay niya. "Hindi ko hahayaang gawin niya sa iyo ang bagay na iyon."

          Nakaramdam ako ng gulat nang bigla na lang dumampi sa mukha ko ang daliri ni Xeron ngunit hindi rin nagtagal ang daliri niya sa pisngi ko nang mabilis niyang hilain ang kamay niya pabalik sa kanyang tabi.

          "Pumasok ka na, Oanna." Biglang nagbago ang tono ng pananalita ni Xeron sa akin saka siya umiwas ng tingin sa mukha ko. "Tiyak na mapapagalitan ka na naman ni Fistto oras na hindi ka pa pumasok sa loob."

          Sa narinig kong sinambit ni Xeron ay walang lingon-lingon ko siyang iniwan saka mabilis na tinahak ang hagdan pababa sa silid na iyon.

          Sa aking pagbaba ay narinig ko pa ang boses ni Xeron ngunit hindi ko na mawari kung ano ba ang sinasabi niya. Basta narinig ko na lamang ang pagsara muli ng pader saka binalot ng dilim ang buong lugar kung nasaan ako.

          Sandali akong nahinto sa aking pagbaba saka mariing napahawak sa hawakan ng hagdan.

          Wala akong makita. Wala akong maaninag na kahit anong liwanag sa loob ng silid na ito.

          "Fistto?"

          Walang sumagot sa akin. Tanging ang boses ko lamang ang narinig ko sa paligid.

          Marahang dinama ng aking isang paa ang natitira pang hakbang pababa sa hagdan. Pinilit kong makakita sa dilim na ito ngunit bigo akong makakita ng kahit na ano.

          "Fistto?"

          Muli kong tinawag ang pangalan niya pero gaya nung una, wala pa ring sumasagot sa akin.

          "Mabuti naman at dumating ka na, binibini."

          Mula sa kadiliman, isang kamay ang humawak sa leeg ko saka ako biglang hinila at binagsak sa kung saan.

          Sabay ng pagtama ng aking likuran sa malamig na bagay na iyon ay ang pagbukas ng ilaw ng silid sabay naaninag ko ang mukha ni Fistto na nasa harapan ko na pala.

          "Hindi ko talaga maintindihan kung ano bang meron sa'yo at natalo mo ako ng ganoon kadali. Hindi kaya gawin ng isang gaya mo ang ginawa mo kanina. Isa iyong kahibangan."

Brandless (The Code Series Book 1)Where stories live. Discover now