CODE 07

4.9K 235 86
                                    

CODE 07: Duel

          Dalawang araw ang matuling lumipas magmula ng ituro sa akin ni Xeron ang paggamit sa bago kong armas sa pakikipaglaban. Dalawang araw na ang nakakalipas magmula nang sanayin niya ako sa pagprotekta sa aking sarili maging ang kahusayan niya sa pakikidigma.

          Tunay na kamangha-mangha ang angking husay ni Xeron sa pakikipaglaban dahil kahit na may kaunti na akong kaalaman sa labanan ay patuloy pa rin niya akong napapabagsak.

          "Tayo, Oanna!" Maawtoridad na sabi niya matapos akong matumba sa malamig na lupa ng training room.

          Hindi gaya ng mga nilalang sa mundo, ang mga tulad naming Etudian ay hindi nakakaramdam ng ano mang emosyon dahil maging ang mga iyon ay nabibili rin ng mga bar codes. Ngunit, ayon sa sinabi sa akin ni Xeron, ang emosyon daw na nararamdaman ko sa tuwing nagsasanay kaming dalawa ay pagod, hirap at sakit. Tatlong uri ng emosyon na nagiging dahilan ng pagbagsak ng katawan ng mga tao sa mundo ngunit hindi sa gaya namin.

          Wala kaming emosyon. Hindi namin alam ang magkaroon ng emosyon. Isa lamang iyong malaking ideya para sa mga Brandless na gaya namin. Sa mga tulad namin, maging ang kakaunting emosyon na mararamdaman namin ay binabayaran din.

          "Hindi mo na ba kaya, Oanna?"

          Napaangat ako ng tingin sa mukha ni Xeron nang ilahad niya ang kanyang mga palad sa harapan ko.

          Marahan akong umiling saka hinawi ang kamay niya sa harapan ko at sinubukang bumangon ng mag-isa.

          Dalawang araw na rin ang nakakalipas nang walang humpay naming pagsasanay. Dalawang araw na walang pagkain, tubig at pahinga. Dalawang araw na ang nababawas sa mga araw na ilalabi ko sa Frolonia.

          "Nais mo na bang kumain muna?"

          Nang makatayo na ako sa aking mga paa, muli akong napatingin sa direksyon ni Xeron saka ako marahang umiling.

          "Gusto ko pang magsanay. Hindi pa ako malakas. Kailangan ko pang magsanay." Putol-putol na turan ko.

          "Pero Oanna—"

          "Magiging mabuti ka na naman ba sa kanya, Xeron?"

          Sabay kaming napalingon ni Xeron sa pinanggalingan ng boses na iyon saka namin nakita si Fistto na nakatayo sa may bukana ng training room na may malapad na ngisi sa labi.

          "Bakit hindi natin siya pagbigyan sa nais niya? Hindi ba't kabastusan para sa isang binibining gaya ni Oanna ang hindi mapagbigyan ng hiling?"

          "Ano na naman bang kailangan mo sa amin, Fistto?"

          Ngisi lamang muli ang sagot ni Fistto kay Xeron saka ito dahan-dahang lumapit sa amin habang inaangat nito ang kamay nito sa ere papunta sa likuran nito.

          Bigla akong napaatras nang bigla na lang ilabas ni Fistto ang kanyang espada na parati niyang dala saka niya tinutok sa aking mukha.

          "Bakit hindi tayo maglaban, Oanna?" Sabi niya. "Bakit hindi natin subukan kung hanggang saan na ba ang natutunan mo nitong mga nagdaang araw?"

          "Fistto!" Malakas na tawag ni Xeron sa pangalan niya. "Itigil mo na ang kahibangan mo! Bilang iyong pinuno, inuutusan kita na lumayo kay Oanna!"

          Ngunit hindi natinag si Fistto sa tinuran ni Xeron. Sa halip mas nilapit pa niya sa akin ang kanyang espada saka iyon tinutok sa aking noo at mariing idinikit doon. Ramdam na ramdam ko na ang talim ng kanyang armas sa aking balat.

Brandless (The Code Series Book 1)Where stories live. Discover now