CODE 12

5.1K 170 82
                                    

CODE 12

            ETUDIA. Isang makabangong mundo na kung saan pinapagalaw ang lahat ng bagay, hayop, nilalang, ideya, emosyon at kung ano-ano pa nang mga pinagsama-samang numero at letra na tinatawag naming bar codes. Ito ay isang mundo na kung saan wala ni isang tao mula sa planetang Earth ang natira.

            Lahat ng mga nilalang na makikita mo rito ay likha mula sa mga bar codes. Kawangis lamang kami ng mga tao ngunit wala ni isa sa amin ang naging isang tao lalo na kung ang bawat kilos, galaw, emosyon na dapat naming maramdaman ay kalkulado ng mga letra't numero.

            Nahahati ang mundong ito sa limang paksyon. Ang Cipheria, Acessia, Trangquilia, Meageria at ang Boarder kung saan nakatira ang mga nilalang na gaya namin. Ang mga Brandless.

            Ang pagkakahati sa lugar na ito ay base na rin sa kung sino ang mas makapangyarihan at sino ang hindi. At kaming mga Brandless, kaming ma maling nilikha, ang nasa pinakababang listahan ng paksyon at wala ni isa sa amin ang may karapatang mabuhay sa ibabaw ng lupa nang mahigit isang taon.

            Ngunit umusbong ang isang rebelyon nang gawing peke ni Xeron ang kanyang pagkamatay sa harap ng nagtatayugang hari ng Etudia na si Coda. At nang sumunod na araw, wala ni isa sa mga Brandless na nasa Boarder ang tinira nila nang buhay.

            At ngayon, ang pinakamakapangyarihang nilalang sa Etudia, ang hari at ang taong lumikha sa lahat ng bagay at nilalang na naninirahan sa mundong ito ay nasa harapan na namin.

            At kahit na ano pang paglilihim ang nais kong gawin, hindi ko pa rin mapigilang makaramdam ng takot at pagkayanig sa aking buong sistema ngayong nakatayo na siya sa aming harapan na nakikita na siyang ng dalawang mata ko nang malapita.

            Si Coda. Ang pinakamakapangyarihan. Ang hari. Ang lumikha.

            Ang siya ring magwawakas sa buhay naming lahat.

            "Tila yata nahuli ang inyong paglabas sa inyong mabahong lungga, hindi ba mga mabababang uri nang nilalang ng Boarder? Tila yata nagkamali ang mga Siphir sa pagbabalita sa akin na naubos na nila ang mga gaya ninyo?"

            "Kumalma kayo," utos sa amin ni Fistto na nananatili pa ring alerto sa pwesto nito habang nakataas sa ere ang isang kamay nito para pigilan ang mga nagpupuyos na mandirigma ng Frolonia na nasa aming likuran. "Isa itong patibong. Huwag kayong maniniwala sa mga lalabas sa bibig niya."

            "At bakit naman sila hindi maniniwala? Ako ang kanilang hari. At bilang inyong hari, may obligasyon kayong sumuod sa lahat nang pinag-uutos ko."

            "Hindi na ikaw ang aming hari magmula pa lamang nang buohin mo kami," madiing sabi ni Fistto saka ko biglang naramdaman ang mahigpit niyang kapit sa aking palapulsuhan. "Wala kaming kinikilalang hari maliban sa mga sarili namin."

            "Ang mga alipin na walang hari ay isa lamang alipin na walang pagkakakilanlan. Hindi ba at ganoon kayo ginawa? Kung talagang wala kayong hari, bakit ninyo kailangang sundin ang utos ng isang mas nakakataas sa inyo kung alam naman ninyo na sa una pa lamang ay wala nang magagawang mabuti sa inyo ang pagkalaban sa akin kundi ang inyong mga kamatayan?"

            "Mas mabuti nang mamatay nang may pinaglalaban kaysa naman manitili sa mga kalkulasyon mo na wala namang nagagawang mabuti sa mga uri namin kundi kamatayan rin."

            Mababakas sa mukha ni Fistto ang nagbibipigil nitong galit sa lalaking kaharap at alam ko anong oras mula ngayon ay sisiklab ang isang karumal-dumal na digmaan.

Brandless (The Code Series Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon