(5) Wala akong germs kaya wag kang mag-inarte

7.8K 240 6
                                    

Chapter Five

Kahit na gaanong maganda ang pakikitungo nang mga taong kasabwat ng kidnapper mo ay mahirap parin magtiwala. Kelan ba naging maganda ang dumukot ng isang babae in a broad daylight tas pipilitin magpakasal sa isang tao na hindi mo naman kilala. Kung gusto niya ang isang babae ay hindi dapat dinadaan sa dahas dahil mahirap magtiwala sa isang taong ganun.

“Galit ka ba?” Tanong ni Craig sa akin, sumulyap sa akin mula doon sa rear view mirror. Kasalukuyan kaming lulan ng kotse niya. Dapat ay matuwa ako dahil sa wakas ay hindi na ako magtutunganga sa loob ng kwarto dahil walang magawa. Pupunta daw kami sa Bishkek para mamasiyal pero siyempre kahit na natuwa ako ay hindi ko iyon pinakita sa kanya. Sa pagkakaalam ko ay maliit na siyudad lang ang Bishkek pero ganun pa man ay may maganda naman tanawin dito.

“Kung tinatanong mo sa akin kung galit ako sa ginawa mong pag-kidnap at sa pamababastos mo sa akin. My answer is yes.” Narinig kong nagpakawala

“Hindi ko kasalanan na nakita ko 'yong panloob mo but if it makes you happy. I will apologize. Izvinite.” Hindi ko alam ang ibig sabihin nang huli niyang sinabi pero wala akong pakialam.

“Saan mo ba ako dadalhin?”

“Alam ko na nababagot ka na sa bahay kaya pupunta tayo sa amusement park.”

“Oh how sweet of you naman, inaalala mo pala ako kung nababagot na ba ako o hindi.” I said in sarcastic tone. Nang makarating na kami sa amusement park, it turns out na malayo pala sa isipan ko ang hitsura nang amusement park. Hindi naman pala, pang-disney lang. Maliit na amusement park lang 'yon kaya malimit ang mga activities sa tingin ko. “Hindi naman pala kalakihan itong amusement park. Nakapunta na ako sa Disney Land at wala ito sa kalingkingan.”

“Pagtiyagaan mo na, sa gusto ko man dalhin kita, aking princesa, sa mas magandang amusement park ay hindi pwede. Mas maganda ang Bishkek na pasiyalan natin dahil malayo ito sa lugar kung hotel ka tumutuloy. Mahina na at baka matunton tayo nang magulang at kaibigan mo.” Napanganga naman ako sa sinabi niya, hindi dahil sa huling sinabi niya kundi sa pagtawag sa akin na aking princesa. A part of me feel a tingling sensation lit up inside me. Gosh! Kinikilig ba ako sa endearment niyang baduy? Hindi! Tumigil ka, Wilhelmina! Wag kang kiligin dahil kidnapper mo iyan! Pedophile iyan!

“Ang susunod naman natin puntahan pagkatapos nito ay ang Oak Park. Maganda doon, kahit pano ay sumungaw naman iyang init nang ulo mo.”

“Pansin ko lang, ba’t nagsasalita ka ng tagalog ngayon?”

“Baka mag-nosebleed ka.”

“Haha. Oh ha? Nakadalawa ako nang tawa.” Matapos niyang e-park ang kotse ay lumabas na ako. Nang makalabas na din siya ay lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Gusto ko sanang pumiksi ngunit napakahigpit nang pagkahawak niya sa kamay ko. Ano ako bata na kailangan nang gabay ng parents niya? “Ew! Why are you holding my hands? You better let go off me, if not I will seriously amputate every part of your body!”

“OA mo. Wala akong germs kaya wag kang mag-inarte.”

Uminit ang ulo ko sa inis. Ayoko talagang hinahawakan ako! Kahit na malambot ang kamay at sarap hawakan! Oh My Gosh! Did I say malambot at masarap hawakan? Ew!

“One of these days, makakatakas din ako sa'yo.” I mumble under my breath pero hindi ko inaasahan na matalas pala siya nang pandinig.

“You wish. Try it, mawawala iyang puri mo.” Namilog ang mata ko. Patay! “Joke.” Kahit na sinabi niyang biro lang iyon ay hindi tuloy ako komportable. Pakiramdam ko kasi na seryoso siya sa sinabi niyang iyon. Maya’t maya ay hinila na niya ako papunta sa loob ng amusement park.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Bride Capture (SAMPLE ONLY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon