(1) The Abduction Marriage

29.3K 448 22
                                    

The Bride Capture

Summary:

Have you heard a Bride Capture? Anong unang naisip mo tungkol doon? A bride kidnap by some unknown guy in order to stop a wedding? Wrong! A single woman will be abducted by a man whom wants her to be his bride even if its against her will. These were practices by other country like kyrgyzstan. Although, in other country like us consider this as a crime. Kukunti na din ang nag-practice nang ganitong tradition. Why am I saying this?

Good question! Dahil sa systema na ito ay naging komplikado at nagkada-letse ang buhay ko. Not knowing na sa pagpunta ko sa Kyrgyzstan ay magbabago ang buhay ko when I met a super hunk greek god, Craig Auslander, a half-brazillian and half-filipino is desperate to marry me. Sure, he's handsome with a body like a greek god and all but who cares?!

How in the world, I, Wilhelmina Torres, would want to marry a man that I barely know?

Captured Bride

Chapter 1: The Abduction Marriage

Sa loob ng suites ay ang unang mapapansin kapag nakapasok ay masiyadong marangya at stylish ang mga kagamitan dito, tila nagbibigay rin ito ng kaginhawaan kapag manatili ka sa loob ng silid. Sa kabilang bahagi ng silid ay matatapuan ang terrace at makikita mula rito ang buong siyudad. Kapansin pansin ang pigura ng babae na nakatayo mula sa terrace at nakatanaw lamang sa maulap na kalangitan.

Sumunod na ginawa ni Wilhemina Torres ay inipon niya ang hangin sa loob ng kanyang dibdib bago bumuntong hininga. Bakas sa magandang mukha ang pagkabagot, inalis ang paningin sa kalangitan at saka patingin-tingin sa kung saan.

Sa mga oras na ito, hindi niya maiwasan na makaramdam ng pagsisi nang sumama pa siya sa kanyang magulang na pumunta dito sa X Country para sa summer vacation niya, kahit na alam niya, na kaya lang naman pumunta ang kanyang magulang dito ay dahil sa medical mission, pawang mga doctor ang magulang niya.

Maliban dun ay sila rin ang nagmamay-ari ng isa sa kilalang ospital sa kanilang bansa.

Dahil sa sobrang abala ng kanyang magulang sa trabaho ay hindi man lang nila binigyan pansin ang labing-walong taon kaarawan niya ngayon, tumuloy parin ang mga ito sa kanilang medical mission.

Naputol ang pagmunimuni niya sa terrace ng bilang may nakaagaw ng kanyang atensyon. Sa ibaba ay nakita niya ang dalawang panot na lalaki, sapilitang pinapasok sa loob ng puting kotse ang isang dalagita.

"What the heck?!" Hindi makapaniwalang bulalas ni Wilhelmina. Sinulyapan niya ang mga guard sa labas ng hotel, subalit wala silang ginawa para iligtas ang dalagita-o baka naman hindi nila napansin?!

Hindi nagpatumpik pa si Wilhelmina at nagmadaling tumakbo papunta sa pintuan para lumabas. Pagpabukas palang ni Wilhelmina ay biglang may nagpaputok ng confetti sa mukha niya, napaatras siya saglit. Tinignan ang taong may pakana nito. Nang makita niya ang limang babae sa harap niya ay agad na nakilala niya ang mga ito.

"HAPPY BIRTHDAY, BESSY!" Sabay bati ng lima.

"Anong ginagawa ninyo dito?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa apat. "Akala ko ay nagbakasyon kaya sa inyo sa ibang lugar?"

"We lied to you, girl. Maari ba naman kalimutan namin ang kaarawan mo? Once in a lifetime ka lang maging eighteen! 'kita mo naman ah, sumunod pa talaga kami dito sa X Country para i-celebrate ang birthday mo. Ba't naman kasi ayaw mong magraos ng birthday party para sa debu mo." Sabi ni Sapphire. Sa kanilang barkada ay ito ang masiyadong sopistikadang magsuot ng damit, naging mutya nga ito ng kanilang campus eh. "Alam mo bang masiyadong takaw pansin ang kagandahan namin dito? Paano na lang kung dakpin kami dahil sa sobrang ganda namin?"

The Bride Capture (SAMPLE ONLY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon