(3.5) Jeffrey Woods partner in crime

8.8K 254 7
                                    

Chapter 3

"Ha! You really think I would let you do as you please? No way! Kaya ikaw na lalaki ka, I swear to Jeffrey Woods that I will be his partner in crime to kill you!" Ilang minuto na kami na lulan sa sasakyan at mukhang malalayo ang pupuntahan namin. My God, help me.

I don't want to marry a... Sabay sulyap sa katabi ko.

HotGuy.

Iyon ang right term. Pero di ko naman siya kilala eh! I am too young to be his bride! I'm only 18 years and 3 days old! Hindi pa ako pwede magpakasal 'no! Madami pa akong gustong gawin sa buhay kagaya ng makapagtapos ng kolihiyo at makahanap ng trabaho. Kung sa iba ay okay na ang eighteen years old na magpakasal pwes ako hindi. Hindi pa 'yon legal!

When I glance at him again, he was smirking, enjoy seeing me frustrated and ranting about kidnapping me.

"And who's Jeffrey Woods? Your ex-boyfriend?"

"What the F?! Kahit ang sikat na character ng creepypasta ay 'di mo alam? Listen to me, bibigyan kita ng time para mag-isip. Sigurado ka ba talagang gusto mo akong pakasalan?" Tanong ko sa kanya. Gusto ko siya sigawan sa tainga para tuluyan na siyang mabingi habang buhay. Sinuri ko uli ang hitsura niya, maputi siyang lalaki at maliban sa gwapo siya ay hindi siya mukhang Asian! Ang kulay ng mata niya ang nagpapatunay!

I envy him because he has a fair skin complexion unlike mine na tamang tama lang ang kulay, hindi maputi, hindi rin dark skin parang pinaghalong gatas at kape? Iyon!

Inignora niya ang first question ko at sinagot 'yong huling tanong ko sa kanya. "Of course, hindi ka naman mukhang kalabaw kaya okay ka na."

Ha? Ah, so kung sakali na kamukha ko ang kalabaw ay may possibilidad pala na hindi niya ako pakasalan? Parang pinalabas niya na utang ko pa ang loob niya at pakakasalan niya ako! "Why? You don't even look like an Asian to me." Ganyan ba ako kaganda kaya kahit hindi Kyrgyzstanian ay desperado na maikasal sa akin?

Hindi ako kagandahan sa totoo lang, I am not like my sister na makakapasa na Ms. Universe ang ganda pero hindi ako nagseselos dahil doon ha? Mahal na mahal ko ang kapatid ko dahil napakabait niya, magkasundo kami sa lahat ng bagay pwera na lang siguro sa mga pananamit. Mas gusto kasi niya ay sexy at cool habang ako naman ay trip trip lang sa kung anong magustuhan na isuot.

"I'm a Half-Brazilian and Half-Filipino pero dito na ako lumaki sa Kyrgyzstan for ten years pero minsan ay nagbabakasyon ako doon sa Philippines para bisitahin ang pinsan at kaibigan ko."

"So?" Parang si Arnolf lang 'no? Pero hindi eh, dahil may sayad sa utak ang lalaking ito.

"So, tumahimik ka na diyan at nandito na tayo." Humarap siya sa akin and then flash a killer smiler at me then pat my cheeks. Namilog ang mata ko sa ginawa niya, I can't believe he did that! I need a tissue! Alcohol!

Tinampal ko ang kamay niya at masama ang tingin na pinukol sa kanya. Mabuti na lang at may panyo ako sa back pocket ng jeans ko kung hindi, God, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Paano na lang kung may mikrobyo siya? Alam ko na nagiging OA ako pero hindi ako basta basta magpapahawak lang sa kahit sino except sa mga kaibigan at sa pamilya ko.

Sabi daw ng kaibigan ng kaibigan ng best friend ko CLEAN FREAK daw ako, kahit kasi masagi lang 'yong balikat ko nag-freak out ako which is true naman. Geez, bakit ba kais iniwan ko pa 'yong purse ko sa restaurant? Nandoon ang santizer, alcohol at etcetera! Dahil sa gulat at takot ko kanina ay nakalimutan ko ang pagiging clean freak ko!

"Ew! Ew!" Halos isumpa ko na siya sa inis. Habang kinukuskus ang panyo sa pisngi ko ay dumapo ang tingin ko sa labas na ngayon ko lang na-realize na nakapasok na pala kami sa loob ng malaking puting mansion, may mga tao na nakaabang sa amin. Lumabas si...hala! Hindi ko pala ang name niya! Eh kasalanan na niya kung hindi ko man lang siya kilala dahil hindi siya gentleman—Anong konek?—boo!

"Lumabas ka na." He said.

"No." Humalukipkip ako.

"Get out or I'll haul you out from the car?!" Napapitlag ako, okay na-over confident na ako kanina. Kahit na ito ang assuming-husband-to-be ko ay masama parin siya, dahil kung hindi siya masama eh bakit pinagpipilitan niya ang sarili ko?

Why oh why me? Why me?!

Pero hindi iyon ang dahilan kaya ako sumunod sa kanyang utos kundi dahil baka hawakan niya ako palabas ng sasakyan, wala pa naman akong alcohol. "Hindi parin ako magpapakasal sa isang kagaya mo!"

"Baby, every women's dying for me to be their husband."

"Lakas ng apog mo 'no?" Inirapan ko siya saka lumabas ng kotse. "Bakit ba ang kulit mo? Hindi ba sinabi ko sa'yon a hindi ako magpapakasal sa'yo. Una, hindi natin kilala ang isa't isa. Pangalawa, I rather marry Dr. Frankenstein than you, you're...you're a psycho!"

"And this psycho will be your husband."

"Craig!" Tawag ng isang matandang babae na nakasuot na maid-uniform, para siyang Filipino dahil sa hitsura niya, may dala siyang white scarf.  Nakasunod sa likuran niya ang iba pang katulong. Ah, Craig pala ang pangalan niya, bagay sa kanya. "Siya na ba?" Tanong ng matanda nang makalapit na siya sa akin. Humarap siya sa akin at nagsalita ng lengwahe na hindi ko alam kung anong ibig sabihin. Nagsalita si Craig sa ganoon din ang lengwahe na bumadha sa hitsura ng matanda ang pagkagulat then smile at me warmly.

Without a warning ay inilagay sa akin 'yong white scarf on my head. I don't why she did it pero bigla ko na lang iyon inalis sa ulo ko, hindi dahil sa pagiging clean freak ko kundi dahil hindi ako komportable.

"Ang ganda mo pala, hija." Waeh? Maganda daw? Sus! "Hindi ko talaga inaasahan na finally ay may napupusuan ni si Craig at isang Filipina pa." Binalik uli niya sa ulo ko ang scarf but this time ay hindi ko na iyon inalis.

"Um. Ayokong maging bastos pero pwede po bang huwag ninyong ipasuot iton scarf?" Hinipan ko 'yong hair strands na nasa mukha ko.

"No. Huwag mo munang alisin iyan."

"Eh bakit?"

"Dahil ang white scarf na iyan ay simbolo marriage, daughter..." Blah! Blah! At ano daw? Simbolo ng marriage? Mabilis na tinanggal ko iyon scarf tas ibinalik sa kanya.

"I really appreciate it pero hindi po ako magpapakasal sa lalaking iyan!" Sabay turo kay Craig.

Nagkatinginan ang matanda at mga kasamahan niya.


The Bride Capture (SAMPLE ONLY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon