PROLOGUE muna TAYO

36.5K 281 41
                                    

HI GUYS!!!

PASALAMAT MUNA AKO SA LAHAT NG SUMUPORTA SA MGA GAWA KO, MAPA-SHORT STORIES MAN SIYA O SERIES...

I CONSIDERED ALL OF YOU AS A BLESSINGS.

PLEASE KEEP SUPPORTING ME FOR MY NEW WORKS.

THANKS AND GOD BLESS YOU ALL!!!

- anonymous_pen @ ur service.

*******************************************************************

 

Buti na lang naabutan ko ang may-ari ng apartment. Sabi kasi ng mga nangungupahan dito bihira na lang mag-stay sa kanilang bahay ang may-ari dahil busy ang mga ito sa sobrang dami daw ng negosyo ng mag-asawa.

Kinausap na niya ako. Sinabi na niya lahat ng mga dapat kong malaman sa apartment at lalo na sa loob ng compound na halos binubuo ng 14 na apartments. Ini-explain din niya ang mga rules and regulations nila.

Tapos niyaya na niya ako na tingnan ang loob ng apartment. Lumabas na kami ng kanilang bahay at lumakad papunta sa nasabing apartment.

Oops, magpapakilala muna ako. Ako si Sheila Mae Cruz. 19 years old at isang simpleng babae. Oo, simple lang. Hindi ko naman sinasabing CONSERVATIVE ako, pero minsan kasi nagiging LIBERATED ako depende na siguro iyon sa SITUATION. Nasa 2nd year na ako sa college sa isang UNIVERSITY. SCHOLAR at isang WORKING STUDENT.

Heto ako, naghahanap ng sariling APARTMENT. NAsa DORM kasi ako hanggang ngayon. Pero medyo nahihirapan na ako dahil siksikan kami at hindi ako makapag-concentrate sa pag-aaral. Masyado lang kasing magulo pag nasa DORM ka... Walang PRIVACY at lalong walang PEACE of MIND.

By the way, laking probinsiya ako. Pero sa dalawang taon ko na dito sa MANILA, at least nakaka-ADJUST na ako... Hindi na ako ang tipong SHUNGA-SHUNGA lang at PROMDI EFFECT ang personality. Hindi naman kami iyong tipong mayaman o mahirap, sakto lang. May sarili kaming lupa sa probinsiya, pero kinakapus nga lang dahil sa ANIM kaming magkakapatid.

Kaya ako heto, kahit mahirap ay tinitiis kong lumayo sa kanila at maging working student para matustusan ang pag-aaral ko. Buti na lang, nakakuha ako ng scholarship, at least malaki talaga ang naitutulong nito sa akin. 

Makapal talaga mukha ko kaya kahit anong trabaho ay pinapasok ko. Naging janitress na rin ako sa isang ospital, encoder sa isang maliit na opisina, librarian sa school, at marami pang iba... Minsan din naging tutor na rin ako at nagtuturo ng guitar lesson. Sa ngayon, I'm working as a part-time cashier sa isang kilalang department store. Isang waitress sa isang maliit na restaurant at Encoder sa ADMIN. DEPARTMENT ng UNIVERSITY na pinapasukan ko.

"Aba'y nakalimutan ko ang susi sa bahay!"bulalas ng matandang babae ng marating namin ang apartment.

Nginitian ko na lang siya. Talagang matanda na si nanay at nakalimutan ang susi!

"Bumalik na nga lang tayo sa bahay. Tapos pirmahan mo na rin ang kontrata. Pasensiya ka na at tumatanda na talaga ako."nakangiting yaya ng matanda.

"Wala pong problema 'yon."nakangiti kong tugon sa kanya.

"Mamu, what are you doing?!"

Sabay kaming napatingin sa aming likuran.

Isang bading ang nagmamadaling lumapit. Super taray kung lumakad ito na parang nasa contest lang ng MISS GAY.

APARTMENT 143 (luv wil kep us 2geder)Where stories live. Discover now