CHAPTER ESPESYAL: VINZ AND CAMILLE... their side of story.

6.2K 81 24
                                    

WALA NA AKONG MASABI KUNDI EXCITED NA FOR THE ENDING...

HOPE NA NAGUSTUHAN N'YO..

ENJOY THE FEW CHAPTERS LEFT!!!

- anonymous_pen @ ur service.

********************************************************************************************

Kanina pa hinhintay ni Vinz si Camille sa isang coffee shop.

Buti na lang pumayag ang dalaga na mag-usap sila. Siguro nakulitan na ito dahil sa halos paulit-ulit siyang tumatawag dito para kausapin siya ng personal.

Sabi niya 3pm daw sila magkita dito nga sa coffee shop pero it is almost 4pm na pero hindi pa rin siya nagpapakita.

He texted her many times and even call her every minute pero nothing happened.

Parang gusto na tuoy mag-give up ni Vinz at umalis na lang sa lugar na ito.

Until...

Napansin niya ang pagpasok ni Camille sa coffee shop.

Nagpalinga-linga ito sa paligid. Alam niyang siya ang hinahanap nito.

Tumayo si Vinz at kumaway kay Camille.

Nakita siya nito at agad na lumapit sa kanya.

"Sorry kung naghintay ka. Hindi kasi ako kaagad nakaalis doon sa bahay. Si daddy kasi panay pa ang sermon sa amin kung paano palalakihin ang sales ng mga businesses namin."nakangiting paliwanag nito na umupo na.

"Okay lang. Want some coffee or juice?"alok ni Vinz na umupo na rin.

"Maybe later. Medyo okay pa naman ako."nakangiting tanggi ni Camille.

"Akala ko hindi mo na ako sisiputin dito. Almost one hour yata akong naghintay."nakangiting sabi ni Vinz.

"I'm reallly sorry if super late ako. Akala ko nga wala ka na dito."

"No worries. Handa naman akong maghintay para sa'yo. Gustung-gusto lang talaga kitang makausap bago ako umalis sa Pilipinas."

"So tuluy-tuloy na pala ang pag-alis mo. We'll good luck and happy trip!"

Bahagyang ngumiti lang si Vinz.

"So ano nga pala agenda natin?"nakangiting tanong ni Camille.

"I-Ikaw. It is all about you, Camille."

Natigilan si Camille. Napatitig siya kay Vinz.

"B-Bakit ka nagbago? Parang hindi na kita kilala, Camille."seryoso si Vinz.

"Vinz, it's almost 6 years na ang nakalipas. My highschool life is never been good for me. And I bet, you know that."

"Hindi na ikaw ang dating Camille na una kong nakita noon na laging nasa likod ng school building. Umiiyak, malungkot at laging nag-iisa. Naging mahiwaga ka sa akin noon dahil ikaw lang yata sa maraming mga babae that time ang laging solo. Para kang may sariling mundo... Parang ayaw mong makisalamuha sa iba."

"Dahil isa akong babaeng maraming insecurities sa buhay. Maraming kinakatakutan, maraming inaayawan. Mahiyain,. Walang lakas ng loob. Bobo. Walang self-confidence. And so on, and so on... Vinz, nabuhay ako sa mundong akala ko walang magmamahal at tatanggap sa akin.... Pero dumating ka. Hindi ko alam kung bakit lagi mo akong tinitingnan. Lagi mo akong nilalapitan kapag nahuhuli mong umiiyak at binibigyan ng panyo para ipampunas sa basang-basa kong mukha dahil sa luhang iniiyak ko... Honestly, nagkaroon ako ng doubts about sa'yo. Akala ko pinagtitripan mo lang ako. Akala ko, meron kang hidden agenda for me..."seryosong kuwento ni Camille.

APARTMENT 143 (luv wil kep us 2geder)Where stories live. Discover now