Chapter 30 - It ends tonight

15K 270 17
                                    

Third Person POV

"Isang maling hakbang mo lang Dylan at mamamatay ang babaeng ito." Banta ni Noah kay Dylan. Hindi niya inakalang maabutan pa sila ng pangkat nina Dylan. Pesteng rogue talaga at bakit nagpahuli pa. Hindi niya mapigilan ang matinding inis dahilan upang mapahigpit ang pagsabot niya sa buhok ni Ilona.

"Aw!" Daing ng babae, napahawak ang babae sa sariling ulo at napaigik sa lakas ng pagkakahila ni Noah sa kanyang buhok.

"Free her at once!" Malakas na sigaw ni Dylan sa gawi ni Noah. "Pakawalan mo siya habang may pagkakataon pa, Noah." Dylan's eyes turned darker, hindi pa siya nagpapalit-anyo bilang lobo ngunit nakikiusap na ang kanyang lobo na kumawala at paslangin ang taong kinilala niyang ama.

"Don't boss me around! Ikaw! Ikaw ang naging dahilan kung bakit nawala si Amadea sa akin! Ikaw ang naging dahilan ng lahat ng iyon, Dylan! Kung hindi ka lang ipinanganak ng malandi mon-"

"Don't you dare disrespect Chloe's name, bastard!" Galit na sigaw ni Aquelio at tiningnan ng masama si Noah. "Kasalanan mo ang lahat. Ikaw ang nagdala kay Amadea sa kanyang tiyak na kamatayan! Ang galit at inggit mo sa Stavros ang nagtulak kay Amadea sa kanyang kamatayan!"

"Huwag mong bilugin ang ulo ko , Aquelio! Alam mo kung gaano kalaki ang galit ko sa iyo, pero ano ang ginawa mo? Binuntis mo ang anak ko!" Nangagalaiting sigaw ni Noah sa lalake.

"She was my mate! She was my Luna, pero ano ang ginawa mo Noah? Walang awa siyang pinatay ni Amadea! What's worse was that you kept Dylan from me!" Tugon ni Aquelio at humakbang palapit kay Noah, "But I won't allow it this time. Hinding-hindi mararanasan ng anak ko ang pakiramdam na mawalan ng kabiyak." He promised.

I will keep Noah distracted. Nagulat pa si Dylan nang marinig ang boses ni Ilona sa kanyang isipan.

No, baby. Don't. We can manage. Bawal kang magpalit-anyo dahil sa kalagayan mo, Let us handle the situation. Sagot ni Dylan kay Ilona bago tingnan ang kabiyak. I love you, baby. I promise to make everything right. Pagkatapos ng lahat ng ito ay magsisimula tayong muli.

No. We will not start again, Dylan. Hindi na tayo babalik sa simula, instead we will continue from where it ended. Tugon ni Ilona habang pinipigil ang luhang gustong bumagsak mula sa kanyang mata. Hindi pwedeng makahalata si Noah na nag-uusap sila ni Dylan.

"Ako na ang bahala kay Montres at sa anak nito, focus your attention to your mate. Iminindlink ko na si Khaos para makasunod siya agad dito." Mahinang bulong ni Aquelio malapit sa kanyang anak. Alam niyang magiging delikado ang lagay ni Ilona sa pinaplano nilang gawin ni Dylan, pero naniniwala siyang makakaya nilang talunin ang kanilang mga kalaban.

"Okay." Maikling tugon ni Dylan bago humakbang palayo, matiim niyang tiningnan si Noah na kasalukuyan pa ring nakasabunot sa buhok ni Ilona. Naningkit ang mata niya sa galit, hindi talaga marunong sumuko ang isang ito.

"Sinasabi ko sa iyo, kapag nagpalit-anyo k-" Naputol ang anumang sasabihin ni Noah nang bigla na lamang lumundag si Dylan sa direksyon niya. Habang nasa ere ay nagawa ni Dylan na makapag-palit ng anyo.

Alpha's Omega [ Completed *under editing*]Where stories live. Discover now