Special Chapter: Lucas & Lil Saint

14.1K 240 73
                                    

Unedited

Lil Saint's POV

Isang buwan na ang nakalipas mula noong mangyari ang digmaan sa pagitan nina Dylan at Noah. Marami ang nabago simula noong araw na iyon. Dylan left Laurent for a week at pumunta sa Stavros Pack para asikasuhin ang libing ni Aquelio. He was accompanied by Safrina, Mason, Angelu, and Dianne. Bumalik si Dylan matapos ang isang linggo at inayos ang mga kailangan niyang ayusin sa Laurent Pack.

He informed Laurent of his decision to take over Stavros Pack. Nabahala ang lahat sa naging desisyon ni Dylan. Kung pamumunuan niya ang Stavros ay sino ang maiiwan sa Laurent bilang pinuno?

It was a gruesome debate between Dylan and some elders from Laurent. If Dylan chose to leave Laurent without an Alpha they will be vulnerable to attacks. Dumaan ang tatlong araw bago napagdesisyunan ng mga nakakatanda na sundin ang mungkahi ni Dylan, at iyon ay ipalit si Lucas bilang bagong pinuno ng Laurent.

Everyone agreed. Wala ng ibang mas malakas na lobo ang Laurent maliban kay Lucas. It was decided then that Lucas will be the new Alpha and Jace will be his Beta.

But it left confusion lalo na sa amin ni Ilona who are both Lunas now. Napapatawa pa nga ako minsan kapag magkasama kami ni Ilona na lumalabas, technically we are both Lunas ngunit hindi kadalasan nangyayari na nananatili sa parehong pangkat ang isang Luna. Ilona decided to stay for awhile at Laurent until she make up her mind and talk to Dylan.

At bukas nga ang araw na iyon. Sana lang ay maayos na ang lahat sa pagitan nilang dalawa. Dylan was miserable during those times when he was in Laurent but he can't come any closer to the pack house. Alam kong ilang beses niyang tinangka na kausapin si Ilona pero pinigil siya nina Mason at Angelu.

Ang speaking of the devil, naamoy ko na siya bago pa man siya kumatok sa pintuan ng pamamahay ko.

"Lil Saint." Agad na sumilay ang aking ngiti sa mga bagong dating, si Angelu at ang kabiyak niyang si Dianne. They are now part of Laurent. Dahil pinili nina Safrina at Mason na dumito sa Laurent ay pinili ng kabiyak ni Angelu na dumito na rin sa Laurent habang ang kapatid nito at si Cole ay mananatili sa Chuza Pack.

Cole will become the Alpha of Chuza soon, at kasama ng Laurent at Stavros ay bubuo sila ng alyansa para mapanatili ang kapayapaan sa pagitan ng tatlong pangkat.

"Angelu. Dianne." Bati ko sa kanila at nakipagbeso-beso sa babae. Napansin ko ang matalim niyang pagkakatingin sa akin na aking ikinaasiwa. What's her problem?

"Nagkaroon ba kayo ng relasyon ni Angelu noon?" Tanong niya sa akin na nakataas ang kilay. Napalunok ako sa klase ng pagkakatingin ni Dianne sa akin, ano raw ulit iyong tanong niya? Ako at si Angelu?



Sasagot na sana ako nang biglang humagalpak ng tawa si Angelu na nasa tabi lang namin. "Sorry." Hingi niya ng patawad pero patuloy pa rin sa pagtawa. "Ipaliwanag mo nga Lil Saint, lahat na lang ng babae pinagseselosan niya." Natatawa pa ring sambit ni Angelu.

"Maliban sa kapatid niya at kay Ilona na itinuring niyang kapatid, wala ng ibang babae na dumikit kay Angelu. Actually may sinabi nga pala siya sa ak-Aw!" Napadaing ako sa sakit nang bigla niya akong akbayan at pinayuko.

"Ano ka ba, Angelu!" Sigaw ko sa kanya at kumawala sa kanyang pagkaka-akbay. Ang brutal talaga ng lalaking ito.

"Nasaan si Ilona? Nandyan ba siya?" Napakunot ang aking noo sa tanong niya. Ilang araw ko ng hindi nakikita si Ilona, nasa pack house lamang ang babae at nagkukulong sa kanyang silid.

Alpha's Omega [ Completed *under editing*]Where stories live. Discover now