Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

CHAPTER 4

72K 2.2K 2.7K
                                    

CHAPTER 4

"MOM? Pa'no n'yo ako nabuo ni daddy? Did you seduce him? Or dad made the first move?"

"Levi! Tampalasan kang bata ka!"

Tumalon ako patagilid nang bigla akong binato ni mommy ng kutsilyo.

"What the? Are you trying to kill me, Mom?"

"Hindi ka naman matatamaan dahil alam kong iilag ka! Napakabastos mong bata ka!"

Aish! Napakamot ako ng batok. I just wanted to know how they were able to create my perfect face. Siyempre, kapag naging kami na ni Heaven, magkakaroon din kami ng anak. Gusto ko lang naman humingi ng tips kung anong magandang sex position para gumawa ng bata. I will make sure my child will be created beyond perfection.

"Ang aga-aga ang ingay mo, My."

Dad suddenly appeared in the kitchen. May bitbit siyang diyaryo. Gaya ng nakagawian ay naupo siya sa dulo ng lamesa. Agad namang nilapag ni mommy ang kapeng katitimpla niya lang saka binalikan ang hinihiwa niyang mga pangluto. She loves cooking eversince.

"Iyan kasing anak mo ang aga-aga, binubuwisit ako." Tiningnan ako nang masama ni mommy.

"Dad, gusto ko lang namang malaman kung anong sex position ang ginamit n'yo ni mommy para mabuo ako-awww!"

Sapul ko ang aking noo nang binato ako ni mommy ng hinihiwa niyang sibuyas.

"Mom! You're so violent. Siguro tinakot mo si daddy kaya ka niya pinakasalan, ano?"

"Aba't--"

Tumalon na ako nang akma niya akong babatuhin ng kamatis. Humalakhak naman si daddy habang sumisimsim sa kanyang kape.

"That's enough, son. Baka mapatay ka na ng mommy mo."

"Naku, 'yang anak mo, Dy, lalagpas na sa kalendaryo ang edad niya sa susunod na taon pero saksakan pa rin ng isip-bata. Hindi na talaga ako umaasa na magkakaapo tayo sa kanya. Kaya hanggang ngayon wala pa rin siyang mahanap na babae dahil saksakan din nang babaero. Hihintayin ko na lang na mag-asawa ang bunso natin."

"Mom, 'tong mukhang 'to? Sa tingin mo walang babaeng magseseryoso? You just didn't know how many girls vied for my attention. Pero masyado akong perpekto para mapunta sa kung sinong babae lang. I deserve someone perfect like me."

"Kita mo na, Dy? Trenta na 'yang anak mo pero wala pa ring pinagbago. Parang sinapian ng demonyo."

"Mom, anak mo ba talaga ako?" I whined.

"Unfortunately," dismayado niyang sagot. Napakamot ako ng ulo. Sana hindi niya maimpluwensyahan si Heaven. Kapag nagkataon, kawawa ako. Hindi ako makakapayag na apihin nila akong dalawa.

"Levi, tantanan mo na ang mommy mo. Tama naman siya. Kailan mo ba balak mag-asawa? And if you're planning to get married, may napupusuan ka na ba?"

I grinned.

"Dad, sinasabi ko sa 'yo, walang kapantay ang kagandahan niya. She can even beat those Victoria Secret angels."

"'Yang mukha mo parang manyak kung maka-describe sa babaeng 'yon, Levi Achilles. Gusto mo ba talaga siya o pinagnanasaan mo lang?" pambabasag ni mommy. I grimaced.

"Mommy, bakit ba ang kontrabida mo?"

"Hindi ako kontrabida, sadyang animal ka lang talaga. Naku, sinasabi ko sa 'yo, siguraduhin mo lang na seryoso ka na sa babaeng sinasabi mo kundi ako mismo ang magtuturo sa kanyang layuan ka. Baka imbis na maging masaya siya, sisirain mo pa ang buhay niya."

"Aish! Napaka-hard mo sa 'kin, Mommy. Makaalis na nga."

I walked out. Pero agad din akong bumalik nang may maalala ako.

Achilles' HeelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon