Wattpad Original
There are 4 more free parts

CHAPTER 1

118K 2.8K 3.9K
                                    

 CHAPTER 1

"WHAT the hell! Are you serious, Micaller?"

"Tarantado. Mukha ba akong nagbibiro?"

Aish! I shouldn't have told Elliot about what happened. Kaya ko naman ipahanap ang madre na 'yon nang mag-isa. Kung kinakailangang ipasuyod ko ang buong Pilipinas, gagawin ko, mahanap ko lang siya.

After that incident outside the hospital, she ran away without looking back. Hindi ko agad siya nahabol dahil tulala pa ako sa sobrang pagkagulat. I tried to forget her but since that day I always dream about her lips. I just can't get her off my mind. I even tried going to the club to look for another woman but I was having a hard time making myself hard. Everytime I touch another woman, I imagine about her face. Pakiramdam ko nagtataksil ako sa kanya habang nasa kandungan ako ng iba. Kaya itinigil ko na sandali ang pambababae.

That I realized I'm in perfect trouble. And that's all because of that woman I kissed outside the hospital.

"At kapag nahanap mo nga siya, ano'ng gagawin mo? Idadagdag mo siya sa mga babae mo?"

Ano nga ba? Hindi ko rin alam, tangina. Basta gusto ko lang siya ulit makita. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko siya nahahanap.

Napahilamos ako ng mukha. Ni hindi ko man lang nakuha ang pangalan niya.

"Ano? Tutulungan mo ba ako o hindi?"

"Babaero ako pero hindi ako kasingbaliw mo, putcha!"

Seriously? I did not expect Elliot would react this way. I thought he would understand me since we're close. Mas guwapo at makisig nga lang ako sa kanya. Lagi kaming magkasama sa Zero Degree bar, 'yung bar na itinayo naming apat. Maliban kay Elliot ay may dalawa pa akong mga kaibigan— si Theo at Sid. Pero alam ko naman na aasarin lang ako ng dalawang 'yon kaya mas pinili kong unahing ikuwento kay Elliot.

"Bro, marami kang koneksyon. Baka naman--"

"Tigil-tigilan mo ako, Micaller, ulol ka!"

He stood up from his chair.

"Akala ko naman importante ang sasabihin mo kaya ka napatawag. Akala ko naman may problem ka kaya ka nag-iinom. 'Yon pala kabaliwan mo lang. Aish! Sinayang mo oras ko."

He turned his back on me and walked to the door. I shook my head in disbelief. Wala akong choice kundi humingi ng tulong kay Theo Montreal.

Tinungga ko ang alak sa bote. Yes, I've been drinking for several days now just to forget that woman but she keeps on haunting me. Nagayuma kaya ako ng halik niya? Damn it!

Napatingin ako nang may nagtapik ng balikat ko. Akala ko lumabas na si Elliot ngunit bumalik siya at binatukan ako.

"What the hell, Madrigal!" I hissed.

"Ayus-ayusin mo ang mga desisyon mo sa buhay, Micaller," aniya saka muling tumalikod.

Shit! Saan ko ba mahahanap ang babaeng 'yon? Pina-check ko kung may ganoong madre sa chapel ng ospital ngunit wala naman daw.

Ano kayang ginagawa niya sa ospital no'ng araw na 'yon? Pina-check ko 'yung CCTV pero ang huling kuhang footage ay ang paglabas niya ng female restroom.

Lumabas na ako ng library at tinungo ang kuwarto ko. Iniwan ko 'yung mga bote sa lamesa.

Naglalakad ako sa hallway nang mapansin kong nakaawang ang kuwarto nina Mommy at Daddy. Sumilip ako.

"Hail Mary, full of grace. The Lord is with you..."

Nanlaki ang mga mata ko nang mapansing may kasama siyang madre. Kumurap ako. Hindi kaya siya na iyon? Hindi kaya binalikan niya ako?

Achilles' HeelWhere stories live. Discover now