Chapter 27

3.9K 137 40
                                    

Chapter 27

AMINA

                PINILIT kong kalimutan at ibura sa utak ko ang mga sinabi ko kay Christopher. Hindi ako nagsisisi sa mga sinabi ko. Tama naman ako eh! Ako ang nahirapan at nasaktan dito. Wala na akong pake kong ano man ang tingin sa akin ng iba. Naging bato na ako simula noong iwan niya ako. Yung puso at utak ko, sinabi na sa akin na maging close-minded kay Christopher. Napagod na ang puso ko sa pagiging tanga noon. Hindi na sila natutong makinig pa simula ng saktan niya ang damdamin ko. Kung tutuusin, lahat ng mga sinabi ko… iyon ang mga saloobin ko sa nakalipas na panahon. Pero sa kailalim laliman ng puso ko, may nakakapa pa rin ako na awa at lungkot dahil sa mga nangyari sa kanya ngayong araw. Pilit ko naman binubura ang nararamdaman ko sa kanya. Lahat ng sinabi ni Tristan ay tama. Si Tristan lang ang naging kasangga ko noon. Siya lang ang tanging taong hindi ako iniwan sa lahat ng paghihirap ko. Sya ang tumulong sa akin at bigyan ng pag-asa at lakas para sa anak ko. Kung ano man ang tinatamasa ko ngayon ay dahil din iyon kay Tristan. Masakit man tanggapin pero ayaw ko na syang mahalin pa. Ang tanging koneksyon ko na lamang sa kanya ay si Mina.

                Napatigil ako sa pag-iisip ng may tumawag sa telepono. “Hello?”

                “Min, anong nangyare? Nasugod daw sa ospital si Tristan. Ang baliw na iyon, sinurpresa nga ako pero nakita ko namang bugbog sarado sya, ako tuloy ang nasurpresa. Okay ka lang ba? Si Mina, kumusta?” – bungad niya sa telepono at sunod sunod na tanong sa akin.

                “Ayos lang ako. Tulog na si Mina. Oo, nagkita sila ni Christopher. Pumunta sya dito sa building ng apartment ko.”

                Napasinghap sya at nagtitili sa kabilang linya. “So, ano nagkita na ba si Mina at ang ama niya? Anong reaksyon ni Mina? Galit ba sya, masaya, nagtataka? Ano? Eh teka muna, bakit nga ba nabugbog si Tristan?”

                “Hindi sila nagkita ni Mina. Inihatid ko kase si Tristan sa parking lot nung paalis na sya papunta sa pinagtatrabahuhan mo para bisitahin at surpresahin ka. Dumating si Christopher at nagkainitan sila. Doon na nagsimula ang awayan at suntukan nila.” – paliwanag ko sa kanya.

                She heaved a sigh before she speaks. “Balita ko, mas napuruhan daw si Christopher? Si Tristan naman, umuwi na muna sa kanila. Min alam kong gagawa ng hakbang si Tristan sa’yo para manligaw at suyuin ka ulit. Ang tanong, pano na ang mag-ama mo? Di tatagal, magtatanong si Mina kung sino at nasaan na ang ama niya. Lumalaki na ang anak mo at nagkakaisip na rin iyan. Anong sasabihin mo sa kanya? Isang bastardo ang ama niya kaya kayo iniwan at mas pinili mong magmahal ng iba?” – tanong niya sa akin.

                Nag-isip ako ng pwedeng isasagot kay Carmela. Hindi ko naman sinabi na magmamahal ako ulit, ang sa akin lang, wala na siyang puwang sa puso ko. Hindi kailan man sumagi sa isip ko ang magmahal ulit ng ibang lalaki. “Carms, hindi ko naman naiisip na magmahal ulit kahit na dumating na si Tristan. Kahit na sabihin nating mas lamang siya kay Christopher, ang punto ko lang ay wala na syang karapatan na mahalin ako ulit. Kung hihingi siya ng despensa dahil sa mga kasalanan nagawa niya noon, matagal ko pa iyon maibibigay sa kanya.”

                “Ang gulo mo din minsan Min. if I know….”

Begging For My Wife's LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon