Chapter 10

8.3K 195 28
                                    

Chapter 10

CHRISTOPHER

“Aba dude, anong storm number ba ang dumayo dito sa opisina mo? Ba’t nagkalat tong mga papeles sa sahig? Para kang dinaanan ng bagyo. Oh anong nangyare?” – takang tanong sa akin ni Charles.

Tss. Alam niya na ang sagot sa tanong niya, iniinis lang ako nito. Pagkatapos ko kaseng maihatid si Amina ay bumalik agad ako dito at ng hindi ko na mapigilan ang inis at galit ko, pinagtata-tapon ko ang mga papeles at iba pang bagay na makita ko dito sa opisina. Nagagalit ako sa sarili ko, pinamukha ko na naman sa kanya ang pagiging masama kong tao. Fuck shit! Halos hindi ko na rin nga matingnan ang mga empleyado ko na nababangga ko na rin pala pagkatapos ng nangyari kanina. Wala akong ibang sisisihin sa inasta at sinabi ni Min sa akin kanina kundi ako at sarili ko lamang. Isa akong baboy, gahaman sa pera, manwhore at iba pa. nasabi niya yun dahil yun ang tingin niya sa akin. Hindi ko sya sisisihin sa mga nangyayari sa amin ngayon. Talagang makapal na talaga ang mukha ko pag ginawa ko yun.

 “I hate you… you know that. I loathe you a lot. You are disgusting. You rotten asshole, gold digger, filthy, social climber and prostitute man! Go to hell!”

“Kahit anong bihis pa ang gawin mo sa sarili mo, para sa akin, isa ka pa ring maduming lalaki. Kahit anong pabango pa ang ipaligo mo sa sarili mo, lalabas at lalabas pa din ang baho mo. Kahit ilang milyones o bilyones meron ka pa, hindi mo maiaalis sa sarili mo na ang pera na yan ay galing sa mabaho mong tabaho noon. Nakakadiri ka. Hindi sana kita nakilala at minahal pa! Mas mababaw ka pa sa maruming daga sa eskinita! You really disgust me.”

“Making me laugh again? Don't bothered, ako pa mismo magtatago at tatanggi sa inaalok mong trabaho Mr. Fontes because I can't bear to see your demonic face every single day of my life.”

Parang sirang plakang paulit-ulit na naririnig ko ang mga sinabi ni Min sa akin. At sa ganoong paraan, ilang libong kutsilyo na rin ang nasaksak at bumaon sa dibdib ko. Kung susumahin ko lahat ng sinabi ni Min sa akin, ‘Demonyo’ isa na akong demonyo sa paningin niya. Hindi ako naaawa sa sarili ko dahil sa ganoon ang paningin nya sa akin. Alam kong nagsisimula pa lang kami at hindi pa ganon ang galit at pagkasuklam ang ipapakita nya sa akin. Kinaya ko naman ang mga sinabi niya pero ang sakit pa rin, triple sa mga ginawa ko sa kanya noon. I deserve this. Wala akong kwenta! I am a dirty man! Wala akong pinagkaiba sa ibang mga gagong lalaki dyan sa tabi-tabi. Kung sana lang maibabalik ko pa ang kahapon, babalikan ko sya at sasabihing mahal na mahal ko rin sya. May mga bagay lang talaga na kailnagan ko isakripisyo para sa kanya noon. Hindi ko ginusto na mangyari to! Nakakainis! Iiyak at magmumukmok na lang ba ako dito?

“Hwag ka ngang ganyan Christopher, parang di ka lalaki…. Magpakatatag ka. Ginusto mo to! Sinabi ko naman sa’yo na pag-isipan mong mabuti tong gagawin mo. So, ano na? Magtatrabaho na ba sya dito?” – pangungulit ni Charles sa akin.

“Charles, may nakikita ka bang Amina De Guzman sa loob ng opisina ko?” – mabilis at pilosopo kong tanong sa kanya habang nakadekwatro ako sa swivel chair at nakalagay kanang daliri ko sa sintido, mas lalong sumasakit ang ulo ko sa lalaki na to. Bubwisitin pa ata ako nito.  Tumawa sya ng mahina bago sinagot ang tanong ko.

Begging For My Wife's LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon