Sarah Geronimo

906 11 0
                                    

Nagsimula sa isang patimpalak sa pagkanta

Hanggang sa maging sikat na artista

Nabigyan ng break sa mga pelikula

At puro naging blockbusters pa.

Simple lang kung iyong titingnan 

 Walang kaarte-arte sa katawan

Kahit paano pa siya bihisan

Siguradong lulutang ang kagandahan.

Kung galing lang ang pag-uusapan

Kayang kaya niyang makipagsabayan

Hanep talaga pagdating sa kantahan

Magaling din pati sa sayawan.

Beyonce Knowles kung tawagin

Di naman kasi maikakaila ang galing

Lahat kaya niyang gawin

Lahat na yata kanyang inangkin.

Bilib ako pagdating sa pakikisama

Sa mga taong nagmamahal sakanya

Kahit na siya ay sikat na artista

Ni minsan, di lumaki ang ulo niya.

Sarah Geronimo, hinahangaan kita

At kahit kailan ay wala kang kapara

Kaya di nakapagtatakang mapamahal ka

Sa mga taong iyong napapasaya.

AshRaldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon