Gerald Anderson in the Eyes of A Fan

528 6 0
                                    

Sino nga ba ang hindi nakakakilala sa isang Gerald Anderson? Gwapo, matipuno, maporma, magandang magdala ng damit, magaling na artista, at mahal ni Sarah. Ayiie.. :)

Aminado ko, hindi ako fan ni Gerald Anderson nung una. Ang alam ko lang, sumali siya sa Pinoy Big Brother at nanalong 3rd placer. Pagkatapos nun, nagkaroon na siya ng shows sa ABS-CBN at itinambal kay Kim Chiu. Na-link rin siya kay Bea Alonzo. Hanggang dun lang alam ko. Di ko nga alam na nanalo na pala siya ng Best Actor, kung hindi lang sinabi ng admin ng Geraldnaticxs.

Pero di ko akalaing magiging interesado ako sa isang Gerald Anderson mula nang mapanood ko ang pelikula nila ni Sarah Geronimo. Mula noon, sinubaybayan ko na ang mga shows niya. Nagpapasalamat nga ako dahil nakakakita ako ng updates tungkol sa kanya sa twitter.

Proud na proud ako sa mga achievements mo Mr. Gerald Anderson. Susuportahan kita kahit saan ka pa dalhin ng karera mo. Saludo ako dahil napatunayan mo kung gaano ka kagaling na artista at kung gaano ka kabait na tao. Di ako magdududa sa parteng yan dahil halata naman sa dami ng nagmamahal sa'yo. 

Mabuhay ka Gerald Anderson! :)

AshRaldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon