AshRald

2.2K 12 0

Aaminin ko, hindi talaga ako fan ng AshRald noong una. Kilala ko si Sarah Geronimo bilang isang sikat na performer na nanalo sa Star For A Night at nakagawa ng ilang teleserye sa ABS-CBN at mga blockbuster movies kasama si John Lloyd Cruz. Si Gerald Anderson naman, kilala ko siya bilang isang teenager na sumali sa Pinoy Big Brother at itinambal kay Kim Chiu ng ilang taon. Sa pagkakatanda ko, naging sobrang sikat ng KimErald noon.

Nagsimula akong ma-hook sa Love Team nina Sarah at Gerald noong mapanood ko ang Won't Last A Day Without You. Si Sarah ay si DJ Heidee doon at si Gerald naman ay si Andrew Escalona. Hindi ko talaga mapigilang kiligin at ngumiti habang pinapanood ko ang pelikulang yon. Mula umpisa hanggang matapos, di maalis sa mukha ko ang tuwa dahil sa chemistry nilang dalawa. Hanggang sa pinaulit ulit ko ang panonood at hindi pa rin ako nagsawa. 

Lalo pang tumindi ang paghanga ko sa love team ng dalawa noong mga panahong nabalitaan kong nanliligaw si Gege kay Sasa. That time, kilig na kilig ako dahil gusto ko talagang magkatuluyan silang dalawa. Para kasi sa akin, nakikita ko ang chemistry nila on screen at nararamdaman kong pwede itong matuloy sa totoong buhay.

Pero biglang dumating ang araw na may lumabas na balita na huminto na raw sa panliligaw si Gerald kay Sarah. Pero ako, bilang isang Sasa-Gege fan, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa, pag-asa na balang araw ay magiging silang dalawa. Dahil malakas ang tiwala ko na mahal talaga nila ang isa't isa. 

"ANG ISANG TUNAY NA ASHRALD, NANINIWALA NA SI SASA AT GEGE PA RIN ANG PARA SA ISA'T ISA" :)