//Entry Twenty

24.6K 286 328
                                    

Dedicated to her----> Advanced/Belated happy birthday to you :)) more birthdays to come, enjoy your day and have a blast.. Lovelots ^______^V  tsup

Date posted: October 05, 2012

Chapter Twenty

Eya’s POV

 

“Good Morning Mommy!!”

Sigaw ni Eyoss ang gumising sa akin. Pagmulat ko ng mata ay naramdaman ko kaagad ang pagsakit ng ulo ko. Parang binibiyak sa sobrang sakit.. “Ugghhhh...”

“Mom, are you okay?” lumapit sakin si Eyoss at tumabi sa pagkakahiga ko.. Tumingin ako sa kanya at ngumiti..

“Yes baby, medyo masakit lang yung ulo ni Mommy...” sagot ko sa kanya.

“Bakit po masakit yung ulo mo Mom? May sakit ka po ba?”

 

“Wala Baby, hangover lang siguro ito...”

“Hangover? What’s that Mom?”

Patay!! Ughhh dapat pala sinabi ko na lang na gutom ako kaya sumasakit ang ulo ko. Sasabihin ko ba kay Eyoss na dahil sa ALAK kaya ako nagkaroon ng hangover? Haayy Eya...

“Anong oras na Baby?” pag-iiba ko ng usapan. Ayoko na lang sabihin sa kanya..

Tinaas ni Eyoss yung left hand niya at may pinindot doon sa suot niya Batman watch. Biglang may nagsalita. The time is Nine Forty Nine. Ngumingiti si Eyoss sa akin habang pinapakinggan na magsalita yung watch niya.

Tuwang-tuwa siya, naalala ko ito nga pala yung relo na binili nilang dalawa ni Cross nung minsang mag-malling kami.

Masayang-masaya kami nung araw na iyon. Isang buong pamilya na nagfa-family bonding. At ngayon ang balikan na lang ang mga alala-alalang ganon ang magagawa namin. Hindi na mabubuong muli..

Ayoko ko ng umiyak, masakit na ang mga mata ko. Pagod na pagod na ako. Wala na din naman akong iluluha, nalabas ko ng lahat.

“Baby, did you eat your breakfast na?”

 

“Yes Mom, nagluto po si Tito Chad ng pancakes then nilagyan niya po ng maraming-maraming choco syrup..” sagot ni Eyoss.

Our Twisted Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon