//Entry Eight

26.3K 196 57
                                    

//Chapter Eight

Hindi ko na alam ang sumunod na nangayari. Bigla na lang ako nawalan ng malay dahil naubusan na akong oxygen sa katawan. Paggising ko ay puro puti na lang ang nakikita ko.

"Ughhhh..."

"Peppy? Gising ka na?! Kamusta ang pakiramdam mo?!" tanong ni Chad..

"Chad? Nasaan ako?!" tanong ko sa kanya..

"Nasa hospital ka. Ano bang ginagawa mo sa pool? Hindi ka naman para marunong lumangoy."

Bigla kong naalala ang nagyari. Napaiyak na lang ako sa sobrang sama ng loob ko kay Cross, hindi niya man lang akon tinulungan nung malunod ako.

"Peppy ano bang nangyari sa'yo? May masakit ba sa'yo? Sabihin mo sa akin..." nag-aalalang tanong ni Chad sa akin.. "Wa-walang masakit sa akin Chad, okay lang ako..." pagsisinungaling ko kay Chad..

"Si Cross, pumunta ba siya dito?" tanong ko sa kanya..

"Hindi. Hindi pa pumupunta si Cross dito. Peppy ano kasi-----"

"Ba-bakit Chad may masama bang nangyari kay Cross?" kinakabahan kong tanong kay Chad..

"Wa-wala naman pero kasi Peppy si Cross. Umalis siya, hindi namin alam kung saan siya nagpunta..." sagot ni Chad

"A-ano?!! Pe-pero bakit?!" 

"Hindi namin alam Peppy. I'm sorry.."

"Babalik pa siya di ba?! Alam kong hindi ako iiwanan ni Cross. Kailangan ko siyang puntahan. Mahal ako ni  Cross!! Hindi niya ako iiwan!!!" tumayo ako at tinanggal yung oxygen na nakakabit sa akin..

"Peppy, huminahon ka.. Masama pa sa iyo ang mapagod" pagpipigil ni Chad sa akin..

"No Chad!!!" sigaw ko sa kanya... "Paano ako hihinahon!! Si Cross umalis at hindi ko alam kong saan siya pupunta!! Kailangan ko siya hanapin!!"

"Peppy, I'm promise hahanapin ko si Cross para sa'yo. Please huminahon ka..." sagot ni Chad. May pumasok na mga nurse sa room ko at may sinaksank sila kung anong gamot sa akin, kaya naman unuti-unti ako nanghihina..

"Chaaad pakiusap-- ha-hanapin mo si Cross.." sabi ko..

"I promise Peppy..." narinig ko pang sagot ni Chad hanggang sa pumikit na ang mata ko...

Kinabukasan paggising ko ay si Chad ang nabungaran ko.. "Chad.."

"Peppy.. Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Chad sa akin..

"O-okay na ako Chad, si Cross dumating na ba siya?"

"I'm sorry Peppy, pero hindi pa rin dumadalaw si Cross sa iyo. At hanggang ngayon ay hindi pa rin siya umuuwi.." sagot ni Chad sa akin..

"Pero saan siya pumunta? Bakit niya ako iniwan?"

"Hindi ko alam Peppy, baka---- baka kailangan lang mag-isip ni Cross kaya siya umalis.."

"Bakit?! Hindi niya ba kayang mag-isip dito at kailangan niya pang umalis? Bakit kailangan niya pa akong iwan? Hindi niya na ba ako mahal?"

"Peppy hush... Mahal ka ni Cross, may amnesia lang siya kaya nakalimutan ka niya. Just give him time..."

"Hanggang kelan Chad? Hindi ko alam kung babalik pa siya.. Paano kung hindi na?"

"Peppy dont be so pessimist.."

Hindi ko na napigilang umiyak. Bakit nagagawa sa akin ni Cross ito?

xoxo,

Dhang

Date posted: July 30, 2012

Our Twisted Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon