//Entry Seventeen

24K 323 133
                                    

Chapter Seventeen

Feeling ko---ay hindi mali. Alam ko at sure ako na iniiwasan talaga ako ni CookieBear. At sigurado din ako na may kinalaman ito sa nangyari nung saturday. One week to be exact niya na akong hindi pinapansin, everytime na lalapit ako sa kanya pilit siyang umiiwas. Lagi niyang sinasabi na busy siya, may gagawin, o kaya naman ay inaantok "daw" siya.

CookieBear naman bakit ganyan ka? Bakit parang sumusuko ka na? Talaga bang hindi mo na ako mahal? Sabi ko naman sa'yo na huwag kang susuko, akong bahala. Ipaglalaban kita kay lolo, kahit kanino basta wag ka lang sumuko. Mahal na mahal kita alam mo yan, kayo ng mga anak natin. Nakakainis ka naman ehh T3T

Aish!! Hindi ko na talaga  kaya to, kailangan ko na siyang kausapin. Kailangan pag-usapan na namin ni CookieBear ang dapat naming gawin. Alam ko kakayanin namin ito, basta magkasama kami.

Bakit antagal yatang umuwi ni CookieBear ngayon? Dapat kanina pa siyang 7pm nandito ahh!? 7:15pm na wala pa siya. Aish kung kelan naman gustong-gusto ko na siyang makausap ngayon naman siya late dumating. Nakatulog na nga yung kambal sa kakahintay sa kanya ehh >__<

Nagugutom na din ako. Naghanda pa naman ako, candle light dinner, tapos nag-order pa ako ng favorite niyang flowers. Gusto ko kasing maging perfect ang gabi na ito. Kasi yayayain ko na si CookieBear magpakasal ulit sa akin.

Magsisimula ulit kami, kasama ang kambal namin. Bilang isang pamilya, isang kumpletong pamilya. Yung may nanay, siyempre si CookieBear ko yun tapos tatay ehem ehem AKO yun ^___^ at siyempre hindi mawawala yung dalawang anghel namin. My cute babies Reah Summer and Winter Cross Sandford.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Narinig ko na lang na may humintong sasakyan sa tapat ng bahay ni CookieBear. Agad-agad akong lumabas para i-check kung siya na ang dumating pero napahinto ako nung makita ko na hinalikan ng isang lalaki si CookieBear sa pisngi.

Halatang nagulat si CookieBear sa ginawa ng lalaki pero sandali lang ay ngumiti din siya at masiglang nagpaalam dun sa lalaki.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil sa nasaksihan ko. Ba-bakit pumayag siya na magpahalik sa lalaking iyon? Tsaka sino ang lalaking yun? Ang kapal ng mukha niyang halikan ang CookieBear ko!! Nakuyom ko ang mga kamay ko, gusto kong magwala!!

Antagal-tagal kong naghintay sa kanya tapos ito lang ang makikita ko?! Harap-harapan niya akong sinasaktan!! Eya bakit ka ganyan!? Wala na ba talaga ako sa buhay mo!? Ganon na lang ba kadali iyon!?

Pero hindi---alam kong may dahilan kung bakit nangyari ito. Hindi dapat ako agad magalit kay CookieBear, hindi dapat ako magpadala sa galit ko, kakausapin ko siya. Itatanong ko kung sino iyon. May tiwala ako kay CookieBear, alam ko naman na hindi niya sinasadya iyon..

Nagulat si CookieBear ng makita niya akong nakatayo sa may pinto.

"Cross.. Kanina ka pa nandiyan?" Tanong niya.

Huminga ako ng malalim bago sumagot. "Oo.."

Nilagpasan niya lang ako, ni hindi niya man lang tinanong kung kumain na ako. "Eya..."

Huminto siya sa pag-akyat ng hagdan at lumingon sa akin. "Ba-bakit?"

"Sino siya? Sino yung lalaking humalik sa iyo?" Tanong ko.

Biglang nag-iwas ng tingin si CookieBear. "Kaibigan ko.."

"Kaibigan? Bakit kailangan may halik pa kung kaibigan mo lang siya?" Hanggat maaari ay pinipigilan ko ang galit ko. Dahil alam ko na oras na pinairal ko ito ay lalo lang kaming hindi magkakaintidihan ni Eya.

Our Twisted Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon