past (part 1)

456 37 11
                                    

NOTE: (very short update)

"hey, may problema ba? look at me" kasalukuyan silang nasa rooftop ng kanilang pinapasukang university. patuloy na hinuhuli ng binata ang tingin niya, siya naman tudo iwas. sa nahihiya siya eh. Alam na kasi niyang ito na naman ang nagbayad para maka exam siya.

"sige ka, pag hindi ka tumingin sa akin hahalikan kita. promise!" saka naman siya napatingin dito. ang dami kayang tao baka magka issue na naman o di kaya baka ma kick out sila sa school.

"now tell me, anong problema natin" hawak hawak ng binata ang mukha niya para di na makaiwas.

"eh...." di niya maituloy ang sasabihin niya. lalong lumapit ang mukha nito sa kanya.

"may nakatingin sa'tin" binitawan naman nito ang mukha niya saka dumistansya at naupo sa tabi niya.

"nagpunta kasi ako sa casher kanina, para ibigay ang promissory note ko di ko alam, paid na pala ako para sa exam" sabi niya. "di mo sana ginawa 'yon, wala ka na namang allowance" dagdag niya.

"ano ka ba, wala iyon. saka pagbutihin mo nalang pag-aaral mo, saka mo na ako bayaran" yon naman sagot ng binata. lahat nang ginagawa nitong tulong, pinuprblema na naman nito kung paano siya nito mababayaran kaya inunahan na niya ito. saka wala naman sa kanya kung wala siyang allowance. tama mula nang mahuli siya ng parents niya ang ginagawa para sa nobya pinagbawalan siya nang mga 'to but he insist hanggang sa kalahati nalang ng allowance niya ang binibigay sa kanya. simula non natuto siyang magtipid para patuloy na matulungan ang nobya. di naman siya papayag na mahirapan ito.

"oo naman, ayokong mabigo sina mommy, ang mahal pa naman ng tuition." narinig niyang sabi ng dalaga. bigla naman siyang nalungkot.

"bakit?" tanong nito. bigla siyang nalungkot nang maalalang ga-graduate na pala siya sa susunod na taon. magiging ENG. DAVID JOHN SANTOS na siya dapat magiging masaya na siya dahil makakapag tapos na siya at magkakaroon ng magandang trabaho. pero nalulungkot siya dahil alam niyang mas magiging busy siya at ayaw muna niyang iwan ang dalaga.

"ga-graduate na ako sa susunod. sinong nalang ang magbabantay saiyo rito, mag se-second year ka palang" bigla naman siya nitong binatukan.

"sira! ano ako,baby?" natawa naman siya rito. ang cute cute talaga nito kapag naiinis.

"seryoso alam mo namang ayokong may kasama kang iba maliban sa akin" seryosong sabi niya.

"eh, alam mo namang ikaw ang mahal ko. seloso ka talaga" sabi ng dalaga sabay kurot. tama napaka seloso nito pero nadadaan naman ito sa pag-uusap kaya nagkakabati rin sila.

"ano kaya kung magpakasal na tayo?" nanlaki naman ang mata niya sa narinig.

"sira! ang bata pa natin, saka na natin yan pag-usapan kapag naka graduate na ako"sagot niya.

"eh ang tagal pa 'yon. saka kapag nakasal ka na sa akin wala na akong problema. ganito nalang magpakasal na tayo kapag gumraduate na ako, kung di kapa handang magkapamilya eh okey lang sa akin hanggang maging ready ka na, ang mahalaga kasal na tayo at di kana maagaw sa akin" sabi ng binata. napaawang nalang bibig ng dalaga sa sinabi niya. alam naman niyang sobrang aga pa para ayain itong magpakasal pero disidido na siyang makasal sila, di naman siya tulad ng ibang lalaki. gusto niya kasing makasiguradong hindi na ito maaagaw ng iba, possessive na kung possssive, mahal talaga niya ito kaya gusto na niyang matali rito. kasal lang naman ang magaganap, saka na nila iisipin ang ibang gagawin ng mag-asawa kapag nasa tamang edad na sila.

"tumigil ka nga, ikaw nagsabi mag se-second year palang ako"

"eh ano naman, di naman natin gagawin yong ginagawa ng mag asawa. saka natin iisipin yon kapag nasa edad na tayo."

"saka magkakatrabaho na ako sa susunod" dagdag niya sabay yakap rito.

***************************************

COMMENT AND VOTE. THANKS :-)


Love Over RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon