Back to Philippines

719 37 5
                                    

"BEST! saan ka na? ako na susundo sa iyo, tika kasama mo ba sina tita?"sunod-sunod na tanong ng kanyang kaibigan sa kabilang linya.

"kararating ko lang ng airport......."

"what? "putol ng kaibigan niya.

"sorry, late kasi ako nagising. hindi nga pala nakasama sina mama. graduation na kasi ni Jeff bukas" sabi niya. narinig niyang bumuntung hininga ang kaibigan.

"ganoon ba. hmm siya txt mo lang ako pagbaba mo ng eroplano para masundo kita" sabi nito sa kanya matapos siyang babaan.

isang malaking buntong hininga ang kanyang pinakawalan ng maglalanding na ang eroplanong kanyang sinasakyan. matagal-tagal na rin mula ng lisanin nila ang pinas, mag tatatlong taon na rin..

"happy?" nagulat siya ng iluwa sa pinto ang ina ng asawa. after nilang kinasal umalis ito at sa akala niya hindi na ito babalik kaya naman nagulat siya. akala niya si Dave ang nagbukas ng pinto sa labas dahil hindi ito kumatok.

"ma...."

"don't call me mama dahil hindi kita anak. kahit pa kasal ka sa anak ko!" di niya maiwasang masaktan. kahit kailan talaga hindi siya nito matatanggap.

"by the way, nagpunta ako rito dahil dito" sabay lapag ng isang sobre at bag sa kama.

"ano? tititigan mo lang ba iyan? bakit di mo buksan para makita mo ang laman niyan?" sabi nito na kinataranta niya. kinakabahan siyang kinuha ang isang sobre. ganoon na lamang ang kanyang pagka gulat ng mabuksan iyon. sunod-sunod na ang pagpatak ng kanyang luha."di maaari" iiling-iling usal niya.

"di ka naniniwala? my God! sa lahat talaga ng ayaw ko 'yong uto-uto. ano pa bang dapat mong malaman para maniwala ka" napahawak pa sa noo ang ginang.

"bakit po? bakit po niyo ginagawa 'to?" tanong niya.

"alam mo iha, sa totoo ayaw ko talaga sa iyo para sa anak ko. both of you don't deserved each other. alam ko rin naman na hindi ka naman talaga kagaya ng inakala ko. pero iha, naaawa ako sa iyo..................." bumuntong hininga ang ginang bago ituloy ang sasabihin.

"niloloko ka lang ng anak ko. hindi mo naman papaniwalaan ang mga nirinig mo kaya umabot sa ganito... na pakasalan ka para mahulog ka sa bitag niya"bigla naman siya nagimbal sa sinabi nito. hindi siya makapaniwala sa sinabi nang ginang. maya maya naging malungkot ang mukha ng kaharap.

"bakit hindi mo buksan yang bag? alam kong malaking tulong iyan para sa inyo?" sabi pa nito. maya maya binuksan niya ang bag.

"nalaman ko kasi sa isang buwan mawawala na sa inyo ang tinitirahan niyo ngayon. naisip ko na ibigay yan bilang kabayaran sa panluluko ng anak ko sa iyo. bakit hindi nalang kayo magpaka layo-layo at magsimula ng bagong buhay? balita ko may sakit ang kapatid mo. sa tingin ko magandang mangibang bansa kayo dahil subok na mas magaling ang mga doctor don kisa dito."

muli niyang sinulyapan ang mga litrato. litrato ni Dave at Megan, ang ex nito. halatang bagong kuha lang iyon.

"kung papayag ka. yan mong ako nang bahala sa gastusin sa pagpapa opera ng kapatid mo at"

"salamat pero maaari na po kayong umalis" nagulat pa ang ginang sa narinig.

"ikaw bahala, pero gaya nang sinabi ko. sa inyo na yang pera. sige aalis na ako" maya maya sabi nito.

pagka labas ng ginang agad niyang kinuha ang cellphone at tinawagan ang asawa. hindi pa siya nag-abalang hubarin ang wedding gown niya kahit nangangati na siya.

"hello" boses ng isang babae ang bumungad sa kanya. bigla naman bumuhos ang luha niya. kilalang kilala niya ang may-ari ng boses ng nasa kabilang linya.

"si... si Dave?" halos di lumabas iyon sa bibig niya. nasaktan siya sa mga nikitang litrato ng asawa kasama ang babae pero mas masakit pa palang malamang magkasama ang mga ito.

"ahh eh nakatulog. napagod daw eh" sagot ng babae. napahagulhul na siya sabay baba ng cellphone.. akala niya may kinusap lang sandali ang asawa, yon pala may kasama na itong iba.

"Best!" masaya niyang sinalubong ng mahigpit na yakap ang kaibigan.

"best! wow ha. sobrang ganda mo na" sinuri pa siya nito mula ulo hanggang paa. "at mas sexy pa sa akin" dugtong ng kaibigan.

"eh bolera ka talaga. wait hindi mo pa sinasabi sa akin ang lucky guy mo" siya naman pero di sya sinagot ng kaibigan.

"dah! malalaman mo rin kapag nasa simbahan na tayo" yon lang ang sinabi nito sabay kuha sa isa pang bag na dala-dala niya.

"i"m sure pagod ka na best. tara na nag makapag pahinga ka saka tayo magkukwentuhan" sabi nito sa kanya at sabay na silang pumunta sa kinaroroonan ng sasakyan ng kaibigan.

******************************************

PLS. COMMENT, VOTE NA RIN PO KAYO KUNG NAGUSTUHAN NIYO ITO. SALAMAT :-)

Love Over RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon