CHAPTER 13

223 21 9
                                    

NINA POV:


(unedited)

Isang simpling dress ang kanyang napili sa pinagdalhang botique sa kanya ni Dave. Nong una ay tumutol ang lalaki pero wala ring itong nagawa dahil iyon ang kanyang kondisyon para dito sumama. Kahit gustuhin man niyang si Travis ang kasama pero wala siyang magagawa.

"ang daming pwede mong isuot bakit ganyan pa ang napili mo?" napakunot noo siya. bakit ba siya nito pinakikialaman. Pagkalabas ng lalaki ay sinuri niya ulit ang sarili sa malaking salamin. Wala namang mali sa suot niya saka ito lang kasi ang bumagay sa kanya. Comportable pa siyang isuot iyon.



Tahimik lang siya habang tinatahak nila ang daang papuntang simbahan kung saang gaganapin ang kasal. Agad namang tumunog ang kanyang cellphone kaya kinuha niya ito at agad na sinagot iyon. hindi pa niya natapos sambitin nang pangalan ng taong tumawag ng biglang bumilis ang pagmamaneho ni Dave. Nakakunot ang noo nito ng lingunin niya ito. parang galit. Buti nalang at hindi gaanong karami ang kasabay nilang sasakyan. Kinancel niya ang tawag saka pinadalhan ito ng mensahi.

Malapit na kami.

Dahil sa bilis magmaneho ni Dave ay nakarating sila sa pupuntahan sa loob nang 15 minutes. Dali-dali siyang lumabas at naunang naglakad pero mabilis rin ito nakahabol sa kanya. Kinuha nito ang kanang kamay niya saka kinawit iyon sa braso niya.

"Siguro pwede mo na akong bitawan." Mahinang bulong niya rito saka tinuro ang kumpulan nang mga kalalakihan hudyat na pumunta na ito roon. Nakahinga naman siya ng maluwag ng bitawan nito ang kamay niya na kanina pa nakakapit sa braso niya. agad namang dumating ang bride kaya nagsiayos na ang lahat.



Congrats! Nakangiti niyang bati kay lorrae nang malapit na ito sa kinatatayuan niya.nginitian naman siya nito.

Kanya kanyang bati ng mga naroong bisita sa bagong kasal na ngayon ay lubos ang kaligayahan. After nang kasal dumeretso ang lahat kung saan ang reception area. Masaya sana kung hindi lang nakabuntot sa kanya si Dave. Ang pinagtataka pa niya ay kung bakit nito pinakilalang asawa niya sa taong naroon.

Agad namang napako ang tingin niya sa mga taong bagong dating. Walang iba kundi ang mga magulang ni Dave.

"hello tita, bakit ngayon lang kayo?" rinig niyang sabi ni Frietz sa babae. Napatingin siya sa taong nasa kilid niya na bahagyang napayakap pa ang kamay nito sa bewang niya. maya maya ay agad nito pinuntahan ang mga magulang. Siya naman ay pumunta sa kinaroroonan ni Travis.

"sino ang mga yon?" tanong agad sa kanya ng binata.

"sila ang mga magulang ni Dave" tipid niya saka kumuha ng tubig sa dala-dalang baso ng waiter na naglalakad.

"sigurado kang divorce na kayo?" napatingin siya rito.

"oo naman"

"kung divorce na kayo, bakit ka pa niya pinakilalang asawa?" hindi siya kaagad nakasagot. Sigurado naman siyang bago sila umalis sa bansa ay wala na sila ni Dave saka wala ring bisa ang kasal nila ayon sa mama ng lalaki.

"oh hi, andito ka rin pala"

Magsasalita sana siya pero agad namang may nagsalita sa kanyang likuran.

"3 years? Oo tama, tatlong taon na pala magmula nang umalis kayo. It nice to see you hija" aniya ng babae saka nagbeso pa ito.

"oh siya na ba ang lalaking pinalit mo sa anak ko?" biglang kumulo ang dugo niya sa narinig.

"hello po sa inyo, ako nga po pala si Travis. Kaibigan niya po ako" magalang na wika ni Travis.

"oh pasensya ka na hijo, akala ko nobyo ka niya. alam mo bang itong si Nina, after nang kasal nila nang anak ko ay nakipaghiwalay na siya agad sa anak ko? Grabi."

"alam ko na po lahat tungkol sa kanilang dalawa. Anyway baka gutum na kayo pwede na po kayong pumunta sa pwesto niyo" hindi na pinatapos pa ni Travis ang sasabihin ng babae. Saka medyo may nagulat sa nakarinig dito.

Dumating naman si Dave kasama ang kanyang ama na siyang humila rito.

Si Travis naman ay umalis pero bago pa ito mawala sa kanyang paningin ay nakita niyang may sininyales sa kanya ang binata kaya sumunod siya rito.

"grabi naman pala ang bibig nang biyanan mo"

"Travs, salamat pala kanina ha." Sabi niya.

"nako wala yon. Ganon ba talaga yon? Buti nalang at hindi nagkagulo."

"hindi naman, dati ang bait niya sa akin pero bigla nalang nag-iba ang trato niya nong nalaman niyang kami ni Dave."

"siguro lahat pakitang tao lang yon. Tapos biglang lumabas ang tunay niyang pagkatao. Alam mo, unang kita ko palang sa kanya masama na ang kutob ko." Sabi ni Travis matapos niyang magkwento.

"hindi siguro, sadyang ayaw niya sa akin kasi akala niya pera lang ang habol ko sa anak niya."

"eh kung hindi talaga siya ganon di sana hindi siya nag-iisip nang masama tungkol sayo, sa kapwa." Natahimik naman siya.

"pinag-uusapan niyo ba ang nanay ko?" sabay silang napatayo ni Travis. Naumid na naman ang kanyang dila.

"hindi naman pare. May napansin lang ako sa mama mo kanina" Sagot ni Travis saka may kinuha ito sa bulsa.

"hello boss congrats ulit. Pasensya na kasi biglang sumama ang pakiramdam ni nina kaya kailangan ko po siyang ihatid. Okey boss maraming salamat" pagkababa ni Travis sa cellphone niya ay agad siya nitong hinila.

"halika na, ihahatid na kita"

"no need pare. Mamaya pa kami aalis saka ako ang maghahatid sa asawa ko" pigil sa kanila ni Dave.

"asawa? Whatever! Hindi ko hahayaang insultuhin nang mama mo ang kaibigan ko" hinila siya nito ulit pero hindi siya binitawan ni Dave.

"okey, bitawan mo na siya dahil aalis na kami" hindi ata inasahan ni Travis ang sasabihin nito kaya napabitiw ito.

"Dave wait sandali nga!" muntik pa siyang matapisod dahil sa bilis nito. Pagtingin niya kay Travis ay nakasunod ang binata sa kanila.

"sabihin mo dyan sa kaibigan mong wag na siyang sumunod kung ayaw mong magkagulo dito" nabahala naman siya sa sinabi ng lalaki.

"Travis okey lang ako. Uuwi na kami. Bumalik ka nalang doon" natigilan naman ang kaibigan niya sa pagsunod sa kanila.

Hindi niya maiwasang matakot kay Dave habang tinatahak nila ang daan pauwi sa kanyang apartment bakit pakiramdam niya may gagawin itong di maganda? Lihim siyang nagdasal na sanay walang masamang mangyari o masamang gawin sa kanya ito.






Love Over RevengeWhere stories live. Discover now