Chapter 6:

83 4 0
                                    

May kumikiliti sa akin nang umagang iyon. Hindi ko alam kung sino. Nakahiga pa ako noon sa malambot kong kama habang sinisinagan ng araw ang aking mukha.

"Ano ba 'yan?" tamad na tamad kong sambit.

"Gumising ka na dali hehe. Umaga na."

Ang boses na 'yon ay kilala ko. Kay Janina iyon. Minulat ko ang aking mga mata at hindi ako nagkamali. Siya nga ang gumigising sa akin.

"Dali na pupunta pa tayo sa taniman niyo! Ready na ako oh!" sabi niya. Tiningan ko siya. Alam niyang mangangati siya kaya't nakasuot na siya ng jogging pants at jacket. Natawa na lang ako at muling pumikit.

"Wag ka nang matulog diyan!"

"Oo na sige na bababa na 'ko, ang kulit mo. Antayin mo na lang ako doon," sabi ko.

"Sabi mo 'yan ah."

Bumaba siya, at ako naman ay nagbihis. Pagdating ko sa kusina para maghilamos ay nakita ko si Mama. Nakaupo sa wheelchair niya. Tiningnan niya ako na para bang nang-uuyam. Hindi ko na lang siya tiningnan. Pinihit ko na lang ang gripo para maghilamos. Saka naman pumasok ang kapatid ko mula sa dirty kitchen para ipasok ang mga niluto niya.

"May gas stove naman, hindi mo pa ginamit," sabi ko.

"Okay lang 'yan, Sir. Ikaw naman, tiningnan ko lang kasi kung paano magluto sa pugon. Ang galing eh. natural ang pagkakaluto oh," sabat naman ni Janina habang tinuturo ang ulam na tinola sa loob ng malaking palayok. Ang kapatid ko naman ay inaasar ako. Iniiba niya ang mukha niya habang nakatigin sa akin. Agad siyang lumapit kay Mama para pagulungin ang wheelchair niya palapit sa mesa. Nang magsisimula na ang pagkain namin ay nagsalita naman siya.

"Bakit ka nandito?" Hihigop na sana ng sabaw noon si Janina pero napatigil sya. Naging tensyonado ang ambiance sa paligid hanggang sa magsalita ako.

"Masama po bang dalawin kayo ng anak niyo? Pasensiya na po kung ngayon lang," sabi ko.

"Eh kahit naman hindi ka na bumalik. Hindi ka naman kailangan dito. Maigi pa 'yong ibang tao nakakadalaw dito, ikaw eh hindi."

Tila tinamaan naman sa sinabi niyang iyon si Janina. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang kutsara habang nakayuko. Para matigil ang tensyon ay kinuha ko ang serving spoon. Kinuha ko ang pinakamalaking hati ng manok at inilapag ko sa pinggan ni mama.

"Kung anuman po 'yong nangyari dati eh tapos na po 'yon...sana po kalimutan na natin."

Hindi siya napkapagsalita. Mayamaya'y kumuha na lamang siya ng kanin at inilagay sa kanyang plato. Doon lang nagsimula ang aming agahan.

"Balita ko po ginagawa niyo na raw tsaa 'yong tobacco ah. Kaya po kayo nagkakasakit eh."

Sinubukan kong putulin ang katahimikan habang kumakain kaming apat. Napatingin na lang sa akin si Mama at muling sumubo ng kanyang kinakain.

"Hindi tsaa Kuya...tubig niya na nga halos 'yon eh," biro naman ni Anna.

"Kumakain tayo, gumalang kayo kung ayaw niyong palayasin ko kayo dito," sabi naman ni Mama. Natahimik naman ako habang nakangiti. Mayamaya pa'y sinubukang abutin ni Mama ang tasa ng tinola. Hindi niya iyon maabot kaya kinuha iyon ni Janina at sinalinan ng kaunting sabaw ang kanyang kinakain.

"Buti pa itong sinama mo dito eh, maasikaso. Hindi katulad mo. Walang pakialam. Para ka nang bato dahil diyan sa mga pangarap mo."

Alam ko namang may masasabi na naman siya sa akin.

"Ok lang naman po Tita, napagtatiyagaan ko naman po itong si Sir," sagot naman ni Janina.

"Tingnan mo nga 'yang ginawa mo. 'Yong babae pa ang nanliligaw sa 'yo pero ikaw parang wala kang pakialam. 'Yan ba ang tamang gawin?" seryoso na ang tono ni Mama.

________________________________

Saka ko lang naisip na pagsisihan ang pagdala ko kay Janina noong mga panahong iyon. Pero iba ang nangyari no'ng mga sumunod na araw. Saka ko lang din napagisip-isip na hindi naman pala talagang mahinhin itong si Janina. May taglay rin siyang kakulitan. Kakulitang talaga namang dumudurog sa yelo na nasa puso ko. Madalas siyang maglambing. Dahil doon, naiisip ko kung sino nga ba ang may problema. 'Yong taong nakapaligid sa akin o ako mismo?

Lahat ng pwede kong maintindihan ay ipinapaintindi ni Janina. Walang numero ang lahat ng bagay na ipinapaintindi niya. Parang ako 'yong logical at siya 'yong artistic side sa parte ng utak ng tao. Gagana ang lahat kapag magkasama kami. Pero bakit ayoko?

"Abutin mo 'yong tali!" sigaw ng isang pulis na nakasakay sa helicopter. Inaabot niya sa akin ang tali ng helicopter na iyon. Medyo nainis ako kasi tumama sa ulo ko 'yong dulo. Tumingin ako sa itaas at nasaksihan ang tensyonadong mukha ng pulis na iyon.

"Brad, abutin mo na lang 'yong tali. Kung anuman ang problema 'wag mong daanin sa ganitong paraan. Hindi matatapos 'yan," sabi niya.

Ano bang pakialam nila sa akin? Bakit ba nila ginagawa 'to? May kanya-kanya naman silang buhay, pakialamanan na lang nila ang kanilang mga sarili. 'Wag na sana nila akong guluhin dito. Siguro kung dadating pa siya, saka ko lang maiintindihan ang lahat. Pero tingin ko wala na ring silbi.

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa aking bulsa. Tiningnan ko kung may text pero wala siyang text doon, puro kamag-anak at kaibigan lang na nag-aalala. Dinial ko ang number nya. Pero as usual, wala namang silbi dahil ring lang nang ring ang phone niya. Hindi ko alam kung naka-silent. Hindi ko alam kung bakit sa ganoon kagandang pagkakataon ay kailangan niya 'kong iwan. Wala siyang sinabi, walang paalam. Hindi ko alam kung gumaganti siya...kaya dinial ko ulit ang number niya. Pag-ring lang ng celphone niya ang naririnig ko. Sa dinami-rami ng media sa baba at sa helicopter na paikot-ikot sa akin, sana man lang makita niya kung nasaan ako ngayon. Sana.

_________________________________

Isang halik ang ibinigay niya sa akin sa dalampasigan ng Ilocos. Hindi ko makakalimutan 'yon. Palubog na ang araw at pasayaw-sayaw lang siya habang umiikot sa akin. Mayamaya'y bigla siyang tumigil at hinalikan ako.

Hindi ko makalkula kung ilang beats per second ang ginawang pagwawala ng puso ko.

"Bakit?" tanong ko na lang sa kanya.

"Mahal kita." Iyon lang ang sinabi niya sabay lakad ulit na parang nagsasayaw sa pampang ng karagatan. Ako naman ay naiwang nakatanga habang pinapanood siya. Nagiging bobo na 'ko. Ang mga numero sa isip ko ay unti-unting nawawala. Ang mga bagay sa paligid ko ay hindi ko napapansin, dahil siya lang ang nakikita ko. Bakit gano'n? Sumpa ba siya sa akin? Kung siya ang sumpa ko siguro napakaganda niyang sumpa. Napangiti na lang ako at muli siyang sinundan. Uuwi na kami matapos ang ilang araw. Uuwi na kami.

Naging maayos si Mama dahil sa kanya. Naalala ko noong pinigilan niya ako sa paninigarilyo. Hindi ko alam kung paano niya iyon nagawa kay Mama pero simula nang ipaintindi niya rin ang lahat sa kanya ay tumigil na siya sa kanyang bisyo. Naging mas masaya pa nga siya dahil sa kanya. Sa akin? Hindi ko alam. Siguro okay na kami. Pero hindi ko siya masyadong kinakausap. Hindi ko alam pero natatakot ako na baka isang araw ay masira at mawala ang picture perfect na senaryong iyon.

__________________________________

"Masyado bang inaalala ng mga matatalinong tao ang buhay nila? Bakit kung sino pa 'yong mga walang alam eh sila pa ang panatag? Sana kung ganoon ay naging bobo na lang ako."

Tumingin akong muli sa ibaba. Nagkakaroon na ng mga naglalakihang ilaw para kung sakaling hindi man matapos ang ginagawa nilang pag-engganyo sa akin para hindi tumalon ay makikita pa rin nila ako.

Papalubog na ang araw. Nauubos na rin ang oras ko.

The Jumper (Short StoryWhere stories live. Discover now