Chapter 5:

77 3 0
                                    

Tuwang-tuwa siya. Parang batang sabik sa pamamasyal. No'ng mga panahong aalis na kami papuntang Ilocos ay wala siyang ibang ginawa kundi magsalita, magkwento, at mangulit. Kahit naiirita na ako sa bus ay okay lang.

"Ito ang gusto mo, 'di ba? Ang makasama ako. Hindi lang ito isang araw. Siguro mga isang linggo rin tayong mamamalagi roon."

Oo, excited nga talaga siya. Lalo na noong makita niya 'yong ganitong kulay ng langit. Parehong- pareho gaya ng nasisilayan ko ngayon. Mamula-mula at nahaharangan ng kaunting kaulapan. Ang kulang lang sa scenario ko ngayon ay ang karagatan.

______________________________

Nakarating kami sa Ilocos na halos pagabi na rin. Hindi ko akalaing mapapagod siya nang ganoon sa byahe. Dahil sa sobrang pagod niya ay inakay ko na lang siya papasok sa dati naming bahay. Hindi ko inakalang nandoon ang isa kong kapatid na bunso. Pinagbuksan niya kami. Niyakap niya ako, at nirespeto bilang nakakatanda niyang kapatid.

"Buti nandito ka na, Kuya. Sina ate wala. Nasa States. Mukhang hindi pa makakauwi," sabi niya.

"Kailan ba sila nagkaroon ng pakialam kay Mama?" tanong ko. Natahimik na lamang siya. Nagulat naman si Janina sa sinabi kong iyon. Umupo na lamang siya sa malambot naming sofa.

"Ma?" sambit ko.

Nakita ko si Mama na nakahiga sa kanyang kama. Kinuha ko ang kanyang kamay para magmano pero agad niya rin itong hinugot pabalik. Umiwas siya ng tingin sa akin. Parang wala siyang nakitang bisita.

"Ma, alam ko galit ka pa rin. Pero sana hayaan niyo po akong dumito, kasama kayo. Aalagaan ko po kayo, sa ayaw at sa gusto ninyo."

Hindi siya sumagot. Napayuko na lamang ako at muling tumayo mula sa pagkakaluhod. Lumabas ako ng kwarto habang may mabigat na pasanin. Doon ko na lang nakitang nag-uusap si Janina at ang kapatid kong babae. Halos magkaedad lang sila. Tatlong taon ang agwat namin ng kapatid ko. Ganoon din ang kay Janina. Alam kong magkakasundo talaga sila.

"Sige Kuya. Uhmm, ipagtitimpla ko muna kayo ng kape ng girlfriend mo," sabi ng kapatid ko. Napakunot na lamang ako ng noo at tinitigan si Janina. Nakangiti pa siya na parang nang-aasar. Akala mo ay hindi napagod sa byahe.

"Anong sinabi mo sa kanya?"

"Na girlfriend mo 'ko," sagot niya. Napailing na lamang ako habang papalapit sa kabilang sofa.

Lumabas naman ang kapatid ko na may dalang tatlong kape na nakapatong sa isang tray.

"Kuya, doon ka na," sabi ng kapatid ko. Pinapaalis niya ako para tabihan si Janina. Napailing na lang ako ulit, kinuha ko ang kape at tumabi sa kanya.

"Naninigarilyo ka pa ba, Kuya?" tanong ng kapatid ko. Hindi ako nagsalita. Alam kong kahit ako eh pagagalitan niya kung malaman niyang naninigarilyo pa rin ako. Pero tingin ko alam niya na rin.

"Baka gusto mong magaya kay Mama. Inubos na yata lahat ng tobacco sa taniman kaya ayan. Matigas ang ulo eh. Sabi ko itigil na. Inatake na naman tuloy ng hika. Mukhang mas malala pa. Nagsusuka na siya ng dugo," sabi ng kapatid ko.

"Very nice choice of words habang nagkakape tayo, Anna."

Iinom na sana ng kape noon ang kapatid ko pero napatigil siya para magsabi lang ng, "Sorry."

"Uhhmm. May taniman kayo ng tobacco?" tanong naman ni Janina. Tumango na lamang ako habang inilalapag ang tasa ng kape.

"Weee? Pwede ko bang makita bukas?" tanong niya.

"Nasa likod bahay lang. Kung mapapansin mo madilim do'n, 'di ba? Malawak kasi. Kami na lang kasi ng mama ko ang nagtatanim doon. May mga workers din kami sa umaga. Bukas puntahan natin para makita mo," sabi ni Anna, ang kapatid ko.

"Ngayon alam ko na kung bakit mahilig manigarilyo si Sir. Mana sa nanay hehe." pang-iinis naman ni Janina.

"Manang-mana nga si Kuya kay Mama, kasi ma-pride din. Haha," dagdag naman ng kapatid ko. Natawa ako pero hindi ako natuwa dahil sa akin napunta ang usapan imbis na kay Mama. Tumayo na lamang ako at nagpaalam sa kanila.

"Pagod na ako, ayos pa ba 'yong kwarto ko? Baka nilulumot na ah?" pabiro kong tugon.

"Lagi ko ngang nililinis mga kwarto natin, Kuya. Maayos pa 'yan. Dalhin ko na lang 'tong mga gamit niyo sa kwarto teka." Tumayo siya at kinuha ang bag ko pero pinigilan ko siya.

"Ako na. Tingnan mo na lang si Mama, baka nagugutom na," sabi ko sa kanya. Kinuha ko ang mga bag na dala namin at dinala sa kwarto ko sa itaas.

______________________________

Ayokong tanungin ang mama ko kung kumain na ba siya. Sigurado namang hindi niya pa rin ako papansinin. Simula noong umalis ako sa bahay para mag-aral sa Maynila ganyan na siya. Nagrebelde ako noon. Aaminin ko naman. Ayokong magsaka na lang ng tobacco araw-araw. Naalala ko pa noon, ayaw na ayaw kong lumalapat ang mga paa ko sa lupa. Ayokong nadudumihan ako--- bagay na inayawan sa akin ng mas nakatatanda ko pang mga kapatid.

Mas lumala pa dahil kay Papa. Lagi siyang pabor sa mga ginagawa ko, dahil ako 'yong paborito kumbaga. Noong namatay siya saka naging miserable ang buhay ko. Wala akong kakampi sa bahay. Laging ako 'yong kawawa. Sa pagkain, ako pa rin 'yong laging wala. Paghahatian nila ang lahat, bibigyan nila ang lahat pwera na lang ako. Naalala ko na lang no'ng inaabot ni Anna sa akin 'yong kapirasong putol ng kamote para daw may hati ako. Siya lang ang nakakasundo ko talaga.

Kaya ako umalis noon. Arogante na kung arogante. Eh impyerno rin naman ang buhay ko sa bahay na 'yon. Ano nga bang mapapala ko? Mas gusto kong maging matagumpay sa buhay. Kaya pinatay ko ang lahat ng emosyong mayroon ako. Naisip ko na lang na gumanti sa ganitong paraan. Pero hindi ko kinaya. Iniisip ko pa rin si ,ama no'ng nagtatrabaho na 'ko. Kung okay ba sila sa bahay; kung maayos ba ang lahat. Hindi ko nga alam kung saan napupunta 'yong mga pinapadala kong pera. Pero hindi na 'yon mahalaga. Kasi no'ng umuwi ako kasama si Janina ay nakita ko naman ang pagbabago sa bahay namin. Pero ang pagbabagong nakita ko sa sarili ko, 'yon ang hindi ko makakalimutan. Dahil kay Janina.

The Jumper (Short StoryWhere stories live. Discover now