Booyah 3

9 0 0
                                    

ISANG umaga ay bisita ni Gabbe si Prince. Busy siya sa pagtitipa ng nobela nang mga panahong iyon nang bigla na lamang itong sumulpot sa harapan niya. May naisip na kasi siyang plot nang mga sandaling iyon kaya naging busy na muli siya. Pero nang dahil sa biglaang pagdating nito sa bahay nila ay napatigil siya sa pagtitipa.

            “O, bakit ka napadalaw sa bahay?” tanong niya dito nang pinapasok ito ng nanay niya sa kuwarto niya.

            “Boss, I need your help.”

            Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. “Tulong saan?”

            “Sa babae. May isang obsessed na babae sa akin. And I want her to get out of my life. Kailangan ko ng tulong mo. Magpanggap ka muli bilang girlfriend ko.”

            “Ano?!” malakas na sigaw niya at pinameywangan ito. “'Oy, Prince. Ayaw ko ng mga ganyang plano, okay? Baka mamaya iyan pa ang magdulot ng away sa pagitan namin ni Kris. Ayaw ko ng ganyan.”

            “Pero Gabbe, she’s so obsessed me. Saka hindi naman ito makakarating kay kuya, eh. At kung makarating man, ako ang bahalang magpaliwanag.”

            “No, Prince! Ayaw kong maging kasangakapan mo sa mga kalokohan mo, ha. Minsan ko lang ginawa 'yan at ayaw ko nang maulit pa.” sabi niya sa ibinaling muli sa computer ang tingin niya. College sila nang magpanggap siya bilang pretend girlfriend nito. May isa kasing babaeng baliw na baliw dito at hindi nito alam kung paano papalisin ang babaeng iyon kaya naman inusap siya nitong magpanggap bilang girlfriend nito. At dahil nang mga panahong iyon ay crush niya pa si Prince ay pumayag siya. Naging effective naman ang plano nito dahil pagkatapos nitong sabihin na may girlfriend na ito at seryoso sa kanya ay umalis na ang babae at hindi na muling nangulit dito.

            “Gusto mo bang mapikot ang best friend mo ng hindi oras? Ayaw ko pang magpakasal. Marami pang babaeng hindi ko napapaligaya at hindi umiiyak ng dahil sa akin!”

            “Hah! Dapat na nga lang na lumagay ka na sa tahimik! Para naman mabawasan ang populasyon ng mga kabaro kong umiiyak ng dahil sa 'yo.”

            Lumuhod ito sa harap niya at pinagsiklop ang kamay. “Please, Gabbe. Ikaw lang ang inaasahan ko dito. Ayaw ko pang makasal nang maaga. Maawa ka naman sa akin, oh.”

            Bumaling muli siya dito. “Eh bakit ba naman kasi nakipaglaro ka pa sa babaeng iyan?”

            “Hindi ko naman alam na ganoon siya. Ang sabi niya nang una ay payag siya sa mga laro ko. Pero nang makuha ko na siya ay nagbago ang isip niya. Ang sabi niya’y gusto daw niya akong maging constant being sa buhay niya dahil magaling daw ako. Siyempre, umayaw naman agad ako. Pero hindi niya ako tinantanan. Kahit yata sa banyo gusto niya akong sundan! Sobra siyang nakakailang! Para siyang lintang dikit nang dikit sa akin! And you clearly know that kind of girls freak me out!”

            Tumawa siya. “Ayan, napakababaero mo kasi. Bahala kang umayos ng gusot mo, 'no. Taken ako, Prince. 'Wag mo akong isali sa mga kalokohan mo.”

            “Pero ikaw lang ang tanging malalapitan ko. Best friend kita, eh. Best friends supposed to help each other, right? Saka ginawa mo na naman ang favor na ito sa akin kaya alam kong kaya mo rin itong gawin. Sige na, Gabbe, pumayag ka na.”

            Bumaling muli siya sa computer. “Ayaw ko. Baka mamaya kagatin ako ni Kris dahil pumayag ako sa plano mo.”

            “Hindi aso si Kuya kaya hindi ka niya kakagatin. Saka hindi nga niya malalaman ang tungkol dito. Akong bahala sa 'yo.”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 23, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HAPPINESSWhere stories live. Discover now