Suddenly a Billionaire

2.6K 48 40
                                    

Mama: Ano ba Irish! Gumising ka na dyan kundi mahuhuli ka na sa klase mo!!

Naku naman! kakatulog ko lang eh gigising agad? Ang hirap talagang maging working student. Nakakapagod! Kung sana lang mayaman kami at kaya ako pag aralin ng aking mga magulang sa kolehiyo hindi ko na sana kailangan pang mag trabaho habang nag aaral.

Ay Oo nga pala nakalimutan kong magpakilala, ako nga pala si Irish Sumalina. Isa akong BA student at the same time nagtatrabaho bilang isang call center agent. Feeling ko nga wala na akong social life sa busy ng life ko well well nagagawan pa rin naman ng paraan ang gumala paminsan minsan.

Ito ang schedule ng buhay ko.

9:00 pm to 6:00 am : Working

7:00 am 11:30 am : Sleeping

1:00 pm to 6:00 pm : School

6:00 pm tp 8:00 pm: study and leisure time

So bale school home work school home work school home work lang ako : [

Anyways ayaw kong maging pabigat sa parents ko kasi naman inampon lang nila ako. kaibigan kasi nila ang tunay kong ina tapos nung namatay ang aking ina inampon na nila ako. Wala naman kasi daw ibang kaibigan at kamag anak ang aking ina. Dalawang taon palang ako nung nangyari yun kaya wala akong masyado  naaalala ..ganun pa man tinuring nila akong parang tunay na anak kaya nga mahal na mahal ko ang aking mga magulang kahit ang iingay nila.

Mama: irish bilisan mo at kakain na tayo! Ano ba yan ang bagal kumilos para ka namang zombie.

Fatima: Hindi naman zombie si ate eh... Isa syang vampire gising sa gabi hahaha

Ang sama talaga ng ugali nitong bunso kong kapatid. -__________________-

Ang hirap talaga pag pinag iisahan ka.. bakit kasi wala dito si papa pag lunch. Dinner at breakfast ko lang sya nakakasama. Sa workplace na kasi sya naglulunch.

Habang kumakain kami bigla nalang dumating ang kaibigan kong si Cara.

Cara: Hindi pa ba ako huli? May pagkain pa ba? Pwede bang makikain tita?

Mama: Oo naman maupo ka at kumain.

Cara: Ohh yeahh!

Irish: Bakit dito ka sa amin kakain ng lunch wala bang pagkain sa bahay nyo?

Cara: Ah meron naman pero kunti lang kinain ko eh at masarap kasi luto ni tita eh hehe..

Ito talagang si Cara idol masyado ang luto ni mama. Bestfriend ko si Cara since elementary pah! May pagkaboyish at cowboy. Kung ano ang kabaliktaran ng pagiging maria clara sya na yun!

Clara: Wow ang sarap talaga ng adobo nyo tita walang kakupaskupas.

Sabi nya habang kumakain na nakakamay lang tapos nakapatong pa ang paa sa upuan.

Irish: Ano ba Clara.. hindi pa naman kami masyadong mahirap para magkulang ng kutsara at tinidor nho?

Clara: Mas masarap kumain pag kamay lang ang gamit mo at isa pa malinis naman ang kamay ko nho. Naghugas ako ng kamay bago kumain hehe

Irish: Ewan ko sayo! Ikaw na talaga kaw na!

Pagkatapos naming kumain pumunta na kami ng school. Medyo napaaga kami ng dating sa school kaaya gusto muna ni cara tumambay sa cafeteria. Ito talagang si cara puro pagkain lang ang nasa isip kaya tuloy tumataba pero hindi talaga sya mataba malaman lang pero sexy pa rin. Kahit malakas syang kumain mahilig naman sya sa gym at sports.

A Sudden Billionaire Girl!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon