Sawi sa Pag ibig

254 14 1
                                    

(Travis POV)



Ngayong araw na ito ay araw ng pag ibig! Hindi man Valentines Day pero nararamdaman ko ang pag-iisa ng dalawang puso ngayong araw na ito at kung kaninong mga puso yun? Syempre sa akin at kay Fatima! Kaya bumili ako ng napakaraming mga bulaklak at nag pa catering na rin ako dahil aakyat ako ng ligaw kay Fatima sa araw na ito!



Nang makarating na kami sa bahay nila Fatima bumaba ako sa magara kong sasakyan kasama si Mang Andres na karga karga ang pusa kong si Ash syempre dinala ko si Ash dapat masaksihan nya ang ganitong kasayang event ng buhay ko. . . dahil bukas naman ang gate nila pumasok nalang kami at dumiritso sa pintuan para kumatok.



Knock! knock!


Bumukas ang pintuan ng bahay nila Fatima at isang lalaki na nasa bandang 50 or 60 years old ang nagbukas ng pinto sa amin.


"Sino kayo? Anong kailangan nyo?" tanong nya.. Pakiramdam ko sya ang aking future father in law kaya agad ko syang niyakap ng mahigpit.



"Ako po si Travis. kinagagalak ko po kayong makilala papa!!" sabi ko matapos ko syang yakapin.


Labis naman nyang kinagulat ang sinabi ko kaya napakunot noo sya at tila naguguluhan sa mga nangyayari "Anong papa ang sinasabi mo dyan? Wala naman akong naalalang may anak ako sa labas"



"Kayo talaga papa.. Nandiyan po ba si Fatima? Ibibigay ko sana itong mga bulaklak sa kanya at ito naman pong mga pagkain ay para sa inyu" binuksan ng mga tauhan ko ang takip ng mga pagkain upang makita ni future papa ang mga nilalaman nito.


Nanlaki ang kanyang mga mata at tila tuulo pa ang laway nya nung makita nya ang mga pagkain syempre lahat yun ay paborito nya tinanong ko ata si Irish!


"Mukhang ang sasarap ng mga pagkaing dala mo lahat talaga paborito ko! Pasok ka.. pumasok kayo at tatawagin ko muna si Fatima nasa loob kasi sya ng kwarto." sabi ni future papa at pagkatapo ay umakyat na sya sa itaas upang tawagin si Fatima.. Ohhh excited na talaga akong makita si Fatima. This is it!




————————————————————————————————————————


(Fatima POV)


Love is an open doooorrr... Love is an open door with you with you..



Knock knock!


Napatigil ako sa pagkanta nang marinig ko na may kumakatok sa pintuan ng kwarto ko kaya agad akong bumangon mula sa pagkakahiga upang buksan ang pinto.



"Fatima may bisita ka" sabi ni ama pagkatapos ko syang pagbuksan ng pinto.

A Sudden Billionaire Girl!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon