DEAL!

288 29 7
                                    

(Irish POV)

Nandito ako ngayon pagulong gulong ako sa kama ko kasi naman itong si Cara nag text sa akin na hinding hindi na daw sya makikipag deal sa akin about kay Aegnis... Plan A failed! Dapat may Plan B ako pero ano??? ughhhh!! Isip Isip Isip din irish........................ Waaahhh wala talaga akong maisip eh!

Napag isipan kong tumayo at pumunta sa pool baka doon makapag isip ako nang maayos.. Nang makarating ako sa pool nakita ko si Kuya Travis naka trunks lang aba aba aba ngayon ko lang napagtanto na hindi lang pala gwapo itong kuya kundi maganda rin ang katawan total package nalang sana kaya lang may topak sa ulo eh..

"Hindi mo ata kasama ang pusa mong si Ash ngayon?" Tanong ko sa kanya kasi naman sanggang dikit ang dalawang yun pero hindi ko na masyado nakikita si Ash these days..

"Ah Sumabay kay papa pabalik ng US may business meeting kasi si Ash sa mga American investor" nag dive si kuya travis pagkatapos nyang sumagot.. Hindi ko talaga alam kung seryoso o nagjojoke o baka naman baliw lang tong si kuya sa kanyang pinagsasabi about kay Ash. Wala pa talaga akong nakikitang pusang businessman.

"Mukhang mas busy pa ang pusa mo kaysa sayo" sabi ko sa kanya habang umuupo ako sa upuan.

"Busy din ako nho! Busy ako since 5 years old nagsimula na akong mag manage ng mga negosyo natin!" sagot nya.. hindi kalayunan ay humaon na sya sa pool at habang humahaon sya sa pool pinicturan ko sya gamit ang aking phone.

"Hoy Anong ginagawa mo? Bakit mo ako pinicturan? May pagnanasa ka sa akin noh???!" sigaw nya sa akin

"Ewwww kadiri ka kuya! Ebebenta ko tong mga hot picture mo sa school natin sigurado ako mararaming bibili nito dahil maraming mga baliw na babae ang baliw na baliw sayo! Kyahaha" Tawa kong sabi haha yayaman ako nito pwede siguro ito ang unang negosyo ko hahaha "Sa magkanong halaga ko kaya ito ipagbibili? Hmmm 50 pesos per picture!"

"Hoy di mo ba alam kung gaano kamahal ang binabayad sa akin para lang maging model tapos ikaw ibebenta mo lang ang sexy kong picture dyan ng 50 pesos!!! Para namang naghihirap ka na dyan!" sabi nya na nakasimangot.. baliw! Eh ano ngayon kung 50 pesos lang?

TING! May naiisip ako! Si kuya is capable of doing many things well yun ang sabi nya everything is possible for him! Kung magiging kaalyado ko sya laban sa kasalang Aegnis baka magawan nya yun ng paraan at isa pa hindi naman siguro magiging problema kung malaman nya kay Matt ako may gusto kasi niligtas ni Matt ang pusa ni kuya noon!


Lumapit ako kay kuya na parang isang kuting.. "Kuya mahal mo ba ako?"

Tinulak nya ako papalayo "Ewww Irish bakit naman ako maiinlove sa kapatid ko? Hindi pa ako baliw  at hindi ka nga kagandahan para mabaliw ako!" sabi nya na parang diring diri

Hinampas ko sya sa braso "Baliw!! Ang ibig kong sabihin kung mahal mo ba ako bilang kapatid at hindi yang iniisip mo!" nakakainis talagang kausap ang kapatid ko! Minsan hindi ginagamit ang utak ugghh pagtitiyagaan ko na nga lang!

"Ahh Buti na yung malinaw! Syempre naman mahal kita noh! Bunso kita eh!" sabi nya na parang proud na proud sa pagiging kuya as if naman may nagawang mabuti sa buhay ko.

A Sudden Billionaire Girl!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon