Chapter 03

3.9K 189 13
                                    

UNTI-UNTING humarap si Vina Lynn kay Tharon. Ipinaypay pa nito ang hawak nito. Seryoso ito.

"Sasamahan ka sa beach?" Isasama siya nito sa isang beach? At sa Quezon, Province pa. Malayo iyon pero kung ito ang kasama niya ay baliwala ang magiging byahe commute man o hindi. Napalunok siya. Nawalan siya bigla ng pakialam sa concert ticket ni Shawn at mas natuon ang atensiyon sa iniaalok nitong kundisyon sa kanya. "Bakit pupunta ka sa beach?"

"Kailangan ko pa bang sabihin sa iyo kung bakit?"

"Oo." Curious siya sa kaalamang mag-a-out of town ito. "Saka bakit ako iyong isasama mo?"

Nagkibit-balikat ito. "Sasagutin ko ang tanong mo kapag sumama ka."

Mukhang siguradong-sigurado ito na sasama siya. Ayaw naman niyang magpahalata rito na talagang interesado siya. Sinulyapan niya ang hawak nito. Bukod sa mapapasakanya ang VIP ticket at pass ay makakasama pa niya ito. Iyong makasama pa lang ito ay sobra-sobra na.

"Si Rose na lang ang alukin mo. Tutal Vice-President siya ng fans club niyo."

"Si Rose?" umiling ito. "Sa iyo lang itong offer, kaya nga nanguna pa akong bumili nitong ticket na ito para may pang suhol sa iyo. Hay, hindi ka ba talaga tinutubuan ng appreciation sa katawan sa effort kong ito? I even give my most precious smile sa organizer ng concert makakuha lang ng pass para makita mo ng harap-harapan ang Shawn na iyon."

Pinigilan niya ang mapangiti at kiligin sa sinabi nito. Ganoon ba siya kahalaga rito? Sarap tumili ng mga sandaling iyon at magpakabaliw. Mamaya na lang kapag nakaalis na ito. Tumikhim siya at pinilit na huwag mautal sa harapan nito. "Eh, 'di salamat sa effort. Ginusto mo naman iyan kaya hindi ko na kasalanan kung ibinigay mo man ang precious smile mo sa organizer ng concert ni Shawn." Kunway kinamot niya ang ilong. "Pasensiya na pero hindi ako mahilig mag-beach. Sayang ang puting inipon ko tapos mangingitim lang ako? No way. So it's a no." Pinigilan din niya ang sarili na bawiin ang sinabi rito. Ayaw lang naman niyang isipin nito na madali siya nitong mapapakagat sa gusto nito. Kailangan pa rin naman niyang magpakipot paminsan-minsan. Kahit sa harapan pa ng isang Tharon Park.

Napabuntong-hininga ito. "You sure? Ayaw mo talaga?" Ibinaba na nito ang kamay. Tiningnan pa ang relong pambisig. Mukhang may lakad pa ito.

Paano ba umuo rito? Kapag patuloy siyang nagpakipot baka bawiin na nito ang offer sa kanya. Hindi maaari.

"Sino pa ba ang kasama?" mayamaya ay tanong din niya.

"Wala. Tayo lang."

Sila lang for real? Walang mga kaibigan nito. Walang epal. Walang kontrabida. Sa isip ay nag-twinkle ang mga mata niya. Kung papayag siya na talaga namang desisyon niya ay masosolo niya si Tharon. Sila lang dalawa.

"Tayo lang?" Kunway tinawanan niya ang sinabi nito. "Ang lakas ng trip mo ngayon, ah. Ano namang dahilan mo at naisipan mong lumayo sa City?"

"Katulad ng sinabi ko kanina. Sasagutin ko lang ang tanong mo kapag sumama ka."

Napakasigurista naman nitong talaga. "Okay." Inilahad niya ang kamay. "Sasama ako, akina na ang ticket at pass."

Naningkit lalo ang mga mata nito at katulad ng mga normal na Korean, napapalatak na naman ito. "Aist. Kung hindi ko lang kailangan ng kasama... hindi ako mag-aabalang bumili nito."

Siya na ang kumuha sa kamay nito ng ticket at pass. Mas okay na iyong suhol nito ang isipin nito na dahilan kung bakit siya sasama rito. "Kung bakit kasi sa dinami-rami ng kakilala mo ay ako pa ang isasama mo." Okay, ako na ang mahaba ang buhok.

"Wala akong ibang choice." Ganoon na lang ang paghalakhak nito ng makita ang pagsama ng mukha niya. "Just kidding, Paning. But seriously, pakiramdam ko mas safe ang puri ko kapag ikaw ang isinama ko."

Puwes nagkakamali ka, Tharon. Kung alam mo lang kung gaano ako nagpipigil kapag nasa paligid ka. Naku...

"Sus. Ang sabihin mo dahil alam mong hindi ako kasama sa kampon nina Rose na baliw sa banda mo." Tinalikuran niya ito at agad na hinayon ang drawer sa may bedside table. Doon niya itinago ang ticket at pass bago binalikan si Tharon na nakamasid lang sa kanya. "So, kailan tayo aalis? Hoy!"

Napakurap-kurap ito bago tumikhim. Trying to get back his posture. "Bukas."

Totoo ba iyong nakita niya kanina na nakatulala ito sa kanya? Or just a part of her illusion?

"Bukas na agad?"

Tumango ito. "Magdala ka ng mga damit mo na pang-limang araw. Baka naman dalhin mo pa ang buong damitan mo, ha? 'Yong tama lang then bring your personal things. Iwanan mo rin ang lahat ng gadget mo. Wala namang wifi at signal sa pupuntahan natin. We will leave as early as we can para hindi mainit sa byahe."

Tumango na lang siya. "Okay."

"I need to go for now. Maghanda ka na." Pagkagulo nitong lalo sa buhok niya ay lumabas na rin ito ng silid niya.

Tumalikod siya at impit na tumili habang taas ang dalawang kamay. Kanina pa siya nagpipigil sa kilig. Magkasama sila bukas ni Tharon at sa loob pa ng limang araw. Sana lang ay mapanindigan pa niya ang kunwareng hindi pagkahumaling dito.

"One more thing."

Naibaba ni Vina Lynn ang mga kamay ng muling marinig ang boses ni Tharon. Mabuti na lang at hindi pa siya nagkekekembot sa saya. Kunway nag-stretching siya ng humarap dito. Nginitian niya ito. "O, may nakalimutan ka pa ba?"

Tumaas ang isang kilay nito habang nangingiti. "Don't bring swim suits."

Don't bring swim suits... Parang sirang plaka na ulit ng isip niya. Dagat ang pupuntahan nila kaya natural lang na magdala siya ng swim suit. Kumunot ang kanyang-noo. "Baliw ka ba? Beach iyong pupuntahan natin. Natural lang na naka-swim suit ako kapag maliligo sa dagat. Alangan namang nakapantulog ako?"

Ngumisi ito. "Much better, Paning. I have to go."

Naiwan siyang kunot pa rin ang noo. Ang lakas naman talaga ng tama ni Tharon. "Puwes, hindi ko siya susundin."

Pagkasara sa pinto ng silid niya ay ini-lock din niya iyon. Pagkuwan ay inabala niya ang sarili sa paggagayak ng mga dadalhin niya sa pupuntahan nila ni Tharon.


My Love, My Idol | COMPLETEDWhere stories live. Discover now