My Love, My Idol

11.5K 287 8
                                    

Madalas laman ng ilang international concert tours si Vina Lynn. Taon-taon ay iyon ang isa sa pinag-iipunan niya. Pero bukod doon ay ultimate fan girl din siya ng pinakasikat ngayon na boy band sa bansa, ang G5.

Hanggang sa mabalitaan niya na magko-concert sa bansa si Shawn Mendes.

Ang problema ay namumulubi siya ngayon dahil kare-resign lang niya sa dating pinagtatrabahuhang kumpanya dahil hindi nag-i-increase ang sahod niya. Bagay na pinagsisisihan niya ngayon.

"I'll help you..."

Pagbobolontaryo ng lalaking ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya na hingan ng tulong. At kung hihingi man siya ng tulong kay Tharon Park, ang kapitbahay niya at siyang sikat na sikat ngayong bokalista hindi lamang sa bansa ay tiyak na end of the world na.

Isa lang naman ang hinihinging kapalit ng binata, iyon ay ang samahan ito sa isang beach sa Quezon Province na sila lang daw dalawa.

Sa huli ay tinanggap niya ang alok ni Tharon. Hindi dahil sa VIP ticket at Pass na inaalok nito. Kundi dahil sa chance na masolo ang binata sa unang pagkakataon.

My Love, My Idol | COMPLETEDWhere stories live. Discover now