Chapter 02

4.4K 198 10
                                    

HALOS mawalan na ng pandinig si Vina Lynn dulot ng matinding palirit at tilian ng lumabas na sa stage ang unang myembro ng G5 na si Inu Nakano, isa sa Phil-Japanese sa grupo. Base ang hawak nito. Sumunod si Daiji Daez dala ang electric guitar nito, half Japanese rin ang binata. Na sinundan pa ni Gray Lorenzo na electric guitarist din at lead vocalist. Sunod na lumabas ay si Zai Monterde na drumer ng grupo. Matapos kumaway sa mga fans na nagpasidhi lalo ng tilian ay nagpunta na sa kanya-kanyang puwesto ang mga ito. Wala talagang tulak kabigin sa mga ito. Lahat ubod ng guwapo.

Pero hindi pa roon nagtatapos ang makamatay na tili ng mga nakapalibot kay Vina Lynn ng mga sandaling iyon. Nang lumabas sa stage si Tharon Park ay lalong dumagundong ang pinagsanib puwersang tili ng mga fans. Maging siya ay hindi rin napigilan ang sarili sa pagtili.

"I love you, Tharooon!" she scream out loud. Wala siyang pakialam kung mapatid man ang litid niya sa pagtili. Worth it naman ang taong tinilian niya.

Bagay na bagay talaga sa stage si Tharon. Okay lang naman sa kanya na marami ang humahanga rito, at least mas malaki ang lamang niya sa mga ito. Sa daming tao sa loob ng MOA Arena ng gabing iyon, kahit ilibot ni Tharon ang tingin nito sa audience o kahit bumaba ito sa stage ay hindi naman siya nito mamumukhaan. Dahil nakasuot siya ng mega disguise niya kapag nanonood siya ng concert nito, ang beloved costume niya na rabbit. Over all iyon na tanging mata lang niya ang nakalabas. Manipis lang kaya hindi siya maiinitan kapag suot niya. Sa South Korea mismo iyon galing in-order pa niya sa online shop. Kapag suot niya iyon, malaya niyang ipagsigawan sa mundo kung gaano niya ito hinahangaan.

Napapikit siya ng magsimulang tumugtog ang G5 na sinundan ng malamig na boses ni Tharon. Ninamnam niya ang boses ng binata habang kumakanta ito. Pakiramdam niya ay siya mismo ang kinakantahan nito. Libre namang mangarap, ika nga ng marami.

"Ang sarap sigurong maging girlfriend ni Tharon," anang kalapit ni Vina Lynn.

"Sinabi mo pa. Nakita ko nga sa isang trending post kanina bago magsimula ang concert na nali-link daw si Tharon kay Sandylyn."

Napamulat na ng mga mata si Vina Lynn. Napatingin din siya sa katabing babae na kausap ang kasama nito. Si Sandylyn Janer na isang sikat na celebrity ang tinutukoy nito. Sa kasamaang palad ay isa sa sinusubaybayan niyang panoorin sa gabi ang teleserye ng nasabing actress. Hindi niya nagustuhan ang nalamang iyon. Fresh na fresh na balita dahil kahit siya ay walang ideya sa balitang iyon.

Sa halos limang taon na pamamayagpag ni Tharon sa industriyang kinabibilangan, ni minsan hindi nito hinahayaan ang sarili na ma-link sa sino mang babae dahil naka-focus lang ang mundo nito sa banda nito. Pero ngayon dinidikit ang pangalan nito kay Sandylyn. Parang gusto niyang magwelga.

Focus muna sa concert, Vina Lynn. Mamaya ka na magwelga, anang isip niya. Huminga siya ng malalim bago ibinalik ang buong atensiyon sa concert nina Tharon.


KAHIT puyat sa nangyaring concert ng G5 kagabi ay pinilit pa ring gumising ni Vina Lynn ng umagang iyon, dahil kung magpapatalo siya sa antok ay tiyak na hapon na ang gising niya.

Hinarap agad niya ang kanyang laptop dahil low-bat ang kayang cellphone. Agad siyang nag-type sa search bar ng Google. Gusto niyang makumperma ang narinig na balita kagabi sa kalapit na babae. Kung totoong nali-link si Tharon kay Sandylyn.

Nanlambot yata pati kalamnan niya ng makitang trending nga ang balitang iyon. It was a hot issue now in social media. May naka-post pang picture ng dalawa na magkasamang kumakain sa isang restaurant. Nagdi-date raw ang mga ito at may namumuong something na rin di umano sa dalawa. Patunay na madalas makita ang aktres sa recording studio na pagmamay-ari mismo ni Gray Lorenzo, ang electric guitarist ng G5.

My Love, My Idol | COMPLETEDWhere stories live. Discover now