[ Entry 11 ]

87 13 8
                                    

Dear Diary,

Okay, napakalma ko na sarili ko. Pasensya ka na diary, sabog lang talaga ako kanina saka gutom. Pero choks na ko ngayon kasi nakakain na ko. Dinalhan ako nila Reis ng happy meal kani-kanina lang pambawi sa pag-ubos nila ng pagkain sa ref ko. Cute nung laruan, diary. Parang d̶i̶l̶d̶o̶ WHOOOPS ERASE ERASE BAKA MAY MGA BATA NA MAKABASA

Promise diary, demure naman talaga ako may konting kaharutan lang
(;'༎ຶД༎ຶ')

Okay more than konti siguro hEHehEHe

ANYWAY!

Back to Entry 8 and 9 tayo!

Seryoso bakit may nakasulat na agad na Entry 8 and 9? I don't remember writing any of that. Huling sulat ko sa'yo ay pinagmayabang ko lang ang pagsuway ko sa kuya ko. Saka nagplanong pumunta ng ministop pero 'di naman natuloy at 'di ko na naikwento sa 'yo. 'Di na kita na-update kasi dumiretso nalang ulit ako ng mansion at itinulog ang gutom ko. Tapos eto na. Pag-gising ko may nakasulat na sa Entry 8 at 9. What the fuck 'di ba? Prank ba 'to nung dalawang ugok? Kasi ang creepy, diary!

Ang creepy kasi sulat-kamay ko 'yung Entry 8 and 9.

What does that mean? Was I sleep talking? Walking? Writing? Bago 'yung sleep writing ha. Iba talaga ako. Sabi na I'm really special mwahahaha

Pero ang weird talaga. Hindi ako mapanatag. Bakit gano'n? Paano nangyari 'yon? May kumulam ba sa 'kin? Jusko po 'di na nga ako lumalabas ng bahay tapos makukulam pa?

Parang akong-ako talaga 'yung Entry 8 eh. The things written in that entry looks like someone rummaged inside my head and put it into words. I could have easily written that myself, and it seems like I did but I really don't remember writing it. Saka sabi sa Entry 8, kumakain ako sa Ministop? Tapos naputol pa 'yung sulat ko sa P.S. part. Ang nakalagay, Isang bucket para masa tapos ayon na, putol na.

Pero ang pinaka weird talaga ay 'yung Entry 9.

It's as if something happened before I wrote that entry. And I've only written 4 lines. Hindi man lang naikwento kung anong nangyari.

It said:

I met a stranger.
His name is Cal.
But I don't think he's a stranger.
I think he's one of us.

Who the fuck is Cal?


Super duper mega ultra confused,
Adee

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 30, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lost Diary of AdeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon