[ Entry 2 ]

123 9 1
                                    

Dear Diary,

Gago sila Reis at Shaw lang pala akala ko naman kung sino. Medyo kinabahan ako pati u m a s a.

Kinabahan kasi tae solo lang ako dito sa mansion namin tapos biglang may kakatok? Hating gabi na po kaya malay ko ba kung mumu 'yon?

Umasa kasi. . .

Baka umuwi na si kuya Adam.

Pero bakit ko ba niloloko sarili ko? As if naman kakatok nalang bigla si kuya sa bahay namin after years and years and years of his MIA ass.

Ayon na nga, sila Reis at Shaw lang pala. Mga hinayupak kumatok pa e kayang kaya naman nila pumasok dito ng walang paalam. Akala ko kung ano na pero as usual, pagkain na naman ang hanap. GRRR.

Ano ko nanay nila?

Isa pang GRRR.

Teka bakit ba puro ako “grrr” ano ba 'yan nagmumukhang limited ang vocabulary ko. Isipin tuloy ng makakabasa nito ang boplaks ko when in reality I am a corporate communications manager. I am required to have an extensive vocabulary so I never use inane and poorly-worded language like “grrr” and “boplaks” to describe what I am feeling CHAROT.

Credits to Bobbie Salazar, wag niyo po ko ipapakulong for intellectual property rights. Trying to be #funny lang si beautiful Adee niyo.

Grrr.

Ayan pati tuloy tiyan ko 'yan na lang ang kayang sabihin.

Wait lang diary, kuha lang ako pagkain sa baba tapos chika ko na sa'yo mga baho ni kuya Adam.

Nagugutom,
Adee

Lost Diary of AdeeWhere stories live. Discover now