[ Entry 1 ]

162 12 4
                                    

Dear Diary,

So ayon nga nawawala ang kuya ko grrr. Hindi ko alam kung saan pumunta 'yon. Bigla nalang nawala isang araw, hindi man lang nagpaalam.

MAS INTENSE NA GRRR!

Tama bang iwanan ang nag-iisa niyang kapatid na mag-isa dito sa bahay? TAMA BA 'YON HA? Ang cute cute ko tapos iiwan lang ako? Pepektusan ko talaga 'yon pag nahanap ko na siya. Akala niya ha. Hmp.

Kaya ayan tuloy, ikaw ang kausap ko.

#lonely

Matagal-tagal ko na rin hinahanap si kuya pero wala e, 'di ko talaga mahanap. Baka bumuo na 'yon ng sarili niyang pamilya naku talaga makakatikim ng sapak sa akin 'yon. Gwapo pa naman si kuya, marami magpapa-anak do'n sigurado.

Petition to castrate Adam!

Ay wait, kapag baog na ang bututuy ni kuya wala pala ako magiging pamangkin. NoOooOoo! Erase. Erase. Kailangan maparami namin ang ubod ng gandang lahi namin. Ayoko naman na kaming dalawa lang ni kuya forever ano. Hindi naman--

Ay.

Iniwan nga pala ako.

So isa nalang ako.

Hehe.

Solo nalang si Adee.

PUTA HINDI PWEDE. NO. WOMAN. IS. AN. ISLAND. 'DI AKO TITIGIL KAKAHANAP SA'YO KUYA ADAM.

I will look for you. I will find you and I will kill you CHAR. I will love you kuya kaya balik ka na please #crying na kapatid mo.

Hol up tears. Wait lang may kumakatok sa pinto.

Bye muna si resident beautiful niyo.

Yours Truly,
Adee

P.S. Never pa may kumatok sa bahay namin :)

Lost Diary of AdeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon