Chapter 25

289K 10.7K 4.1K
                                    

Chapter 25


NANGINGITIM ANG LEEG KO.


Kahit anong gawin kong takip ng concealer ay kitang-kita pa rin ang mga marka. Mga hickeys na basta na lang ikinalat sa ibat-ibang parte ng balat ko.


Mabuti na lang at wala akong masyadong damit na walang manggas, mabuti at karamihan ng dala ko ay t-shirts. Nakakahiya kasi ang mga marka sa balat ko, may namumula, may nangingitim, may malalaki at may maliliit.


"He's hurting you."


Gulat akong napalingon sa pinto kung saan galing ang maliit na boses.


Agad kong pinahid ang luha ko ay ibinaba ang t-shirt ko. "B-bakit? May kailangan ka?"


Pumasok siya sa kuwarto- ngayon ang unang beses na ginawa niya ito.


Hindi niya pinansin ang tanong ko. Basta pumasok lang siya. Isinara niya ang pinto at inilibot ang paningin niya sa paligid.


"P-pasensiya ka na, nagliligpit kasi ako ng mga gamit ko kaya wala ako sa labas. May iuutos ka ba?"


Hindi pa rin niya ako pinapansin. Umiikot ang paningin niya sa paligid. Mula sa mga lumang damit ko na nakakalat sa ibabaw ng kama, hanggang sa mumurahin tsinelas at sandals na nasa gilid ng luma kong maleta.


Tumayo ako mabilisan isinilid ang mga damit ko sa maleta. Hiyang-hiya ako sa kanya. Siguro ay nandidiri siya sa mga gamit ko.


"Fury, hintayin mo na lang ako beh, sa labas. Aayusin ko lang itong-"


"I know you, guys, have past."


Gulat akong napabalik ng tingin sa kanya.


"I know you're my tatay's ex girlfriend."


Napalunok ako. "A-ano bang sinasabi mo..."


Saka bakit parang biglang nag-iba si Fury? Bukod sa bigla niyang pagtawag nang "tatay" kay Xerxes ay tila may iba pang nagbago sa kanya.


"I know what he's doing to you. And I wanna help you."


Natigilan ako. Nalilitong nilapitan ko siya. "Hindi ko alam ang sinasabi mo."


"Come on, Freakin' Nanny!" Sinimangutan niya ako bagamat may kung anong lungkot sa kanyang mga mata. "I know what he's doing to you. I know Tatay is hurting you and I'm not gonna tolerate him."


Naninibago talaga ako sa pagbanggit niya ng salitang "tatay".


"Hindi niya ako sinasaktan. Saan mo ba nakuha ang mga sinasabi mo?" Unti-unti na akong nate-tensyon. Natatakot ako na baka malaman ito ni Xerxes at magalit siya sa akin.

His Bad WaysWhere stories live. Discover now