Chapter 12

258K 10.8K 1.7K
                                    

Chapter 12


NAGISING ako na madilim ang paligid. Kinapa ko ang aking tabi pero wala akong nakapa ron. "Xerxes?"


Walang tugon.


Kinakabahan akong bumangon. Kaninang alas-sinco nang hapon pa siya naririto. Pagkarating na pagkarating niya ay hinalikan niya agad ako at dito nga kami humantong sa higaan. Sa sobrang kapaguran kaya nakatulog ako. Pero nasaan siya?


Hindi ko makita ang paligid dahil sa sobrang dilim. Bakit ba walang ilaw? Natatandaan ko ay nakatulog ako kanina na bukas ang ilaw, sino ang nagpatay non? O baka naman brownout? O baka naputulan sila Aling Meding? O may nasira bang fuse?


"Xerxes?" muli'y tawag ko. Nasaan ba ang lalaking iyon?


Dumadagundong ang dibdib ko sa kaba. Hindi naman ako basta-basta iiwan ni Xerxes dito ng ganito kadilim at nag-iisa.


"Xerxes, nasan ka ba?" Nagsimula na akong maluha. Kung anu-ano na agad ang naiisip ko.


Naghintay ako ng ilang minuto ngunit wala pa ring Xerxes na dumarating. Baka nauntog na siya at iniwan niya na ako. Baka narealize niya ng hindi pala talaga niya ako mahal dahil hindi naman ako maganda. Hindi ako matalino at hindi ako bagay sa kanya.


Napahikbi ako at sa isip ko ay sinisisi ko ang sarili ko. Siguro may nagawa ako na hindi niya nagustuhan at nakapag-trigger sa desisyon niyang iwanan na ako.


Tila pinipiga ang puso ko habang nangangapa ako sa paligid. Napakadilim talaga, at ganito ang buhay ko dahil mukhang babalik na naman ako sa pag-iisa.


Wala man lang liwanag na kahit kaunti dahil hindi ko talaga maaninag ang paligid. Sira kasi ang maliit na poste ng ilaw sa tapat ng inuupahan namin kaya wala talagang ilaw na pumapasok mula sa bintana na natatakpan ng kurtina. Mayabong pa ang puno na nasa itaas nitong bahay kaya maski liwanag ng buwan ay walang paraan para makaabot dito.


Nang makapa ko ang kamiseta ko ay agad ko iyong isinuot. Kumapa-kapa pa ako sa higaan hanggang sa ang shorts at panty ko naman ang mahawakan ko. Basta ko na lang din iyong isinuot kahit pa nagkakapilipit na ang garter niyon.


Hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin na wala siya. Diyos ko, wag naman po sana... sana isang masamang panaginip na lamang po ito...


Pero kahit anong kurot ang gawin ko sa sarili ko ay hindi ako nagigising, ang ibig sabihin ay gising talaga ako at hindi ito isang bangungot. Tunay na nangyayari ang lahat ng ito. Tumayo ako at hinanap ang switch ng ilaw, nang makapa ko iyon ay diniinan ko agad. Segundo lang at bumaha na ang linawag mula sa nag-iisa naming bombilya.


Napanganga ako sa nakita ko.


Taliwas ito sa inaasahan ko. Natutok ang mga mata ko sa mesa. Sa ibabaw niyon ay may bilog na cake na kulay pink. May maliit na bilao rin ng pansit at isang bote ng maliit na Red Horse beer. Sa upuan naman ay may nakataling tatlong piraso ng pulang lobo na hugis puso.

His Bad WaysWhere stories live. Discover now