Chapter 15

232K 9.7K 1.9K
                                    

Chapter 1


FURY BELLA MAIRE RAMOS BATALIER.


Iyon ang ipinangalan namin ni Xerxes sa baby namin. Iyong ikinaluma at ikinasimple ng pangalan ko ay ibinawi ko kay Baby Fury. Pangalan pa lang, nananapak na. Malabo itong magka-hit kapag lumaki na at kumuha ng NBI.


Matagal pa nga naming pinagtalunan ni Xerxes iyon, balak niya pa kasing dugtungan. Ang sabi ko ay maawa siya sa anak namin kapag nag-aral na. Baka nagnu-numbering na sa papel ang mga kaklase nito, pero ito ay apelyido pa lang ang naisusulat.


"Gising na ang nanay." Lumingon si Xerxes sa akin at ngumiti. Ipinaghehele niya ang anak namin.


Isang malusog na sanggol na babae ang nakabalot sa kulay pink na lampin ang karga ni Xerxes nang magising ako sa kutson.


Napangiti rin ako sa nasaksihan kong tagpo. "Ang cute naman ng mag-ama ko..."


Lahat ng sakit na dinanas ko ay tila bulang biglang naglaho ng makita ko si Xerxes na karga-karga ang anak namin. May bahid pa nga ng luha ang malalantik na pilik-mata ng asawa ko dahil isang napakagandang regalo ang hawak-hawak ng mga kamay niya.


"Pano, aalis na ako," paalam ni Aling Myrna, ang kumadrona na nagpaanak sa akin. Itinibi nito ang mga plangganang ginamit saka nagpaalam. Nagbilin pa ito kay Xerxes saka lumabas ng pinto.


Naupo sa tabi ko si Xerxes. "Kumusta ang pakiramdam mo, pangga?"


"Okay ako... G-gusto kong makita si baby..." Hirap na inaabot ko ang baby na nasa braso niya.


"Antukin. Hindi ka na nahintay." Inihiga niya sa tabi ko ang sanggol.


Inilapit niya ito sa akin. Ganoon na lang ang ligaya ko ng mamasdan ko ang maamong mukha ng sanggol. Natutulog ito na tila anghel sa bisig ni Xerxes.


"Ang ganda-ganda niya, 'ga..." Naluha ako nang gumalaw ito.


"Syempre mana sa'yo." Hinaplos niya ang mukha ko.


Hindi ko kamukha si Baby Fury. Sa ilong nito na kahit sanggol pa lang ay matangos na, sa lantik ng pilik-mata nito at sa hugis ng labi ay walang duda na si Xerxes ang ama nito. Tila ito baby girl version ni Xerxes. At alam ko na lalaki ang anak namin na isang napakagandang bata.


"Bukas ipa-file ko na agad ang birthcertificate niya."


"Wag mo ng dagdagan ang pangalan ah."


Natawa siya saka tumango. "Yes, Ma'am!"


Nilaro-laro ko maliit nitong mga daliri. "Hi, anak. Ako ito, si Nanay..."


(unedited raw copy)


"Ang sarap niyong tingnan. Sayang walang camera iyong cell phone ko, basic lang, hindi ko tuloy kayo makukuhanan ng picture."

His Bad WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon