Entry 4: Knowing You

34 0 0
                                    

Minsan sa buhay natin ay may nagagawa talaga tayong mga bagay na hindi para sa atin. Kasi hindi naman lahat ng bagay sa mundong ito ay umiikot lang sa sarili natin. Na minsan sa buhay natin may mga tao tayong isinasaalang-alang kasi iyon yong magbibigay sa atin ng kasayahan. Na hindi lahat ng kasayahan natin ay dahil lang sa sarili natin... Oo, when this famous philosoper said that 'no man is an island' he's so sure of what he's talking about. Because it is... You really can't live with your own. You can't survive when you're alone...

---Katherine Menchie Briones

Dumaan ang isang araw...dumaan ang isang linggo...dumaan ang isa pang linggo. At ngayon ay pangatlong linggo na simula ng huli kong makita si Hiro Martin. Pero hindi katulad ng normal na nangyayari sa buhay ko na nakakalimutan ko ang mga bagay na hindi ko matagal na nakasama, ay hindi ko makalimutan si Hiro Martin. Tandang-tanda ko ito at pati na rin ang tungkol dito na parang kahapon lang kami huling nagkita. Hindi ko maiwasang isipin kung kamusta na kaya ito? Naisipan na kaya nitong magpagamot?At naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ito mawala sa isipan ko. Hindi ko na dapat ito iniisip dahil hindi naman na kami magkikita. Bale si Hiro Martin ay napadaan lang sa buhay ko kaya dapat hindi ko na ito iniisip ngayon.

Bumuntong hininga ako at itinuloy na ang pagbibihis ko. May raket na naman ako ngayong gabi. Anniversary naman ng isang Bar ang kailangan kong icover ngayon.

Nang matapos akong magbihis ay mabilis na akong lumabas ng bahay. At katulad ng mga naunang raket ko ay dinaanan ko muna si Maggi sa shop. Ito kasi ang palaging kasama ko sa mga ganitong raket. Pero kahit sobrang tagal ko ng kasama si Maggi ay hindi kami close. Dahil lagi akong aloof dito. Hindi dahil sa ayaw ko kay Maggi. Ayoko lang talaga na may taong mapalapit sa akin. Natatakot kasi ako.

Agad naman akong nakarating sa shop at dumerecho na rin kami agad sa Point 88 Street. Ang bar na pupuntahan namin. Sobrang daming tao pagpasok namin. Malawak naman ang lugar kaya hindi ganon kacrowded. Nagsettle na ako sa may sulok na parte ng bar habang si Maggi naman ay hinanap iyong may ari nitong bar na kausap nito.

Ilang sandali ang lumipas at natanaw ko na si Maggi na papalapit sa akin. At hindi ito nag iisa. Kasama nito si...

"Kachi? Anong ginagawa mo dito?" nakakunot noong tanong ni Stienn. Yep, yong kulot na friend ni Hiro. Nakakatuwang isipin na naaalala ko pa ito.

Pero anong ginagawa nito dito? Ito ba ang may ari nitong bar?

"Ah, Mr Chua si Kachi po yong sinasabi kong kasama ko. Magkakilala po pala kayo." sabi ni Maggi.

Alanganin naman akong ngumiti. I don't know how to great him. We're not close, anyway.

"Uhm, hello..." alanganing bati ko.

"I thought you're nurse?" nakakunot noong tanong nito. "anyway, ikaw ang kasama ni Ms Maggi?"

"Ah yes Mr. Chua." si Maggi ang mabilis na sumagot. 

"Ah that's good. So, I have lots of visitors tonight. And I'll go now to do my job. Kayo ng bahala sa mga ganap." sabi nito at tumalikod na pero muli itong lumingon sa akin. "Let's catch up later Kachi." at tuluyan na nga itong umalis.

Nagkibit balikat naman ako at kinuha na ang camera ko para magsimula ng magtrabaho ng bigla akong kalabitin ni Maggi.

"Pa'no mo nakilala si Mr Chua Kachi? sabi mo wala kang friend?" tanong nito.

"He's not my friend."

"Bakit sabi nya, let's catch up later Kachi."  panggagaya nito sa sinabi ni Stienn.

Tinitigan ko naman ito. "Let's get to work Maggi." sabi ko na lang at iniwan na ito para magsimula ng kumuha ng mga pictures. Ayokong pag usapan kung paano ko ba nakilala si Stienn Chua. Kasi hindi ko naman masasabi na friend ko nga yong mga yon. And besides ayoko nga ng kaibigan.

Walking In The WindWhere stories live. Discover now