Entry 19: He was

8 2 0
                                    

Life really is unexpected. Tomorrow is really never promised. You want this and life will give you that, you act to be like this but life made you like that. But what can I say? That's the irony of life.

—Katherine Menchie Briones

I looked at him. Tama ba ang narinig ko? Did Hiro Martin said that he want to tell me his reasons? Why?

"Huh?" ang muling lumabas sa bibig ko.

"I said I want to tell you my reasons." ulit nito sa sinabi.

"Huh—I mean, seryoso?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ko. Si Hiro Martin ba talaga tong kaharap ko? Parang kahapon lang ay ayaw nitong magpakita kahit konting emosyon tapos ngayon ay bumabanat ito ng ganito?

He gave me his half smile at muling naglakad ng mabagal. Sumunod naman ako.

"Nagulat lang ako na gusto mo ng sabihin yong dahilan mo sa akin. But, I'll listen Hiro."

Hindi ko alam kung bakit nagbago ang isip nito at gusto nitong sabihin ang dahilan kung bakit ayaw nitong magpagamot. Kahit naman sinabi kong ayos lang na hindi nito sabihin iyon ay interesado pa rin ako. Kaya nagulat lang talaga ako.

Bumuntong hininga ito.

"You've met Mr. and Mrs. Martin, right?" panimula nito na ikinakunot noo ko. He mean his parents?

"Your Mom and Dad? Yes, I remembered covering their wedding anniversary before. Why the question?"

"They're not my r-real parents." halos bulong na lumabas sa bibig nito pero narinig ko. At hindi na naman ako makapaniwala.

Ilang beses pa ba akong gugulatin ni Hiro ngayong gabi? Is he saying the thruth?

"Hindi sila ang totoong mga magulang ko." ulit nito sa sinabi. "I was ten when they adopted me."

Seriously? Eh bakit kamukha nito ang ate Aileen nito? That's what I noticed the first time I saw them.

Pero sabagay ganon daw iyon, kapag matagal mo ng nakakasama ang isang tao ay nagiging kamukha mo na. And now that I think of it ay magkaiba nga ang aura ng dalawa. Maamo ang mga mata ni Hiro kaya nagiging mabait ang aura nito habang ang ate Aileen nito ay laging strikto ang mukha. Siguro ay ako lang, iyong magkamukha sila.

"I didn't know that." komento ko sa sinabi nito.

"Yeah. They never let me feel that way. They treat me like their own and I'm so grateful of them and I hate to see them hurting because of me..." he stopped at bumuntong hininga. "But I hate it most na umasa silang gagaling ako and in the end ay mawawala rin. I've caused them enough pain kahit hindi ko naman deserve lahat ng binigay nila sa akin. My name, the wealth, this is not belong to me."

While looking at him talked ay saka lang ako naniwala na ampon nga ito. I can see the longing in his eyes.

"Hey, you're parents decided to adopt you so that means you deserved everything they offered, at mahal ka nila."

I don't know if that words comfort him dahil nagpatuloy lang ito sa pagsasalita.

"I know they loved me kahit in the first place ay hindi naman talaga ako ang aampunin nila."

That got me curious. "What do you mean?" nakakunot noong tanong ko.

Mula sa suot nitong pantalon ay inilabas nito ang wallet ang hinugot ang isang picture doon. Inabot nito sa akin ang lumang picture na iyon.

Iyong picture na nakita ko sa drawer sa loob ng office nito.

"That boy on the left side, his name was Tom. He's my childhood friend na kasabay kong lumaki sa ampunan. Siya iyong aampunin dapat ng mag asawang Martin. But the day na kukunin na dapat ito sa ampunan ay naaksidente ito. He died trying to save me dahil nagtatampo ako dito dahil makakaalis na ito ng ampunan tapos maiiwan ako. I ran from the orphanage at muntik akong masagasaan. He saved me. After he died ay kinausap ako ng mga madre sa ampunan. They told me na dahil nawala na si Tom ay ako na lang daw ang kukunin nila. So you see Kachi, hindi talaga ako nararapat sa kung saan man ako ngayon. Hindi ko deserve at naniniwala ako na hindi na para sa akin isa pang pagkakataon para mabuhay after Tom died and I took his place. I love my parents and my sisters but I think thirteen years with them is already enough. And until now it still bothers me na nandito ako sa dapat na lugar ni Tom na namatay nang dahil sa akin. Naisip ko nga na siguro karma ko na itong sakit ko dahil naging selfish ako noon kay Tom."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 16, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Walking In The WindWhere stories live. Discover now