Entry 1: Weird

82 3 0
                                    


...sa buhay natin may mga bagay na dumarating na hindi natin inaasahan. Pero yong mga unexpected na dumarating na yon ang may ginagawang pinakamalaling parte sa buhay natin.

At first you'll think it's just normal things. Hindi mo napansin na yong unexpected na yon yong pinaka highlights pala sa buhay mo. At sa huli, marerealize mo na lang na hindi basta normal na nangyari yon. It means something na magpapabago ng lahat-lahat sa buhay mo.

-Katherine Menchie Briones

I let my deepest breath out. This is it pansit! My first day sa aking On the Job Training sa isang malaking ospital.

Malapit na akong malate dahil nga kinakabahan ako kaya matagal bago ako nakaalis ng bahay.

Eto na lang talagang training ang kulang, syempre pati ang license ay magiging certified nurse na ako.

Excited ako. Pangarap namin to ng ate ko eh.Yong magiging doktor sya tapos nurse ako. Kahit naman hindi kami nagkikita ni Katelyn alam kong proud na proud yon kung anu man ang mga ginagawa ko ngayon.

Two years ago na since umuwi ako dito sa Pilipinas at manirahang mag isa. And so far, I'm good. Kahit na literal na mag isa talaga ako.

Yong walang kamag-anak. Wala ring kaibigan. Okay lang naman... Ineenjoy ko yong sarili ko at yong buhay na meron ako.

Minsan kaai hindi mo naman kailangan ng kasama para sumaya ka. Yong pagiging excited ko sa mga bagay-bagay na mangyayari sa akin, isa na yon sa mga nagpapasaya sa akin. Syempre pati na rin yong mga masasayang alaala na meron ako kasama yong pamilya ko. Happy na ako doon.

Isa pa ulit na buntong hininga at saka humakbang na ako para pumasok sa ospital. Baka mamaya tuluyan na talaga akong malate kung magdadrama pa ako.

Pero bago pa ako tuluyang makapasok ay nahagip ng paningin ko yong lalaki na umaakyat sa pader ng ospital. Galing ito sa loob.

Napakunot noo ako.

Base sa itsura nito, alam kong isa itong pasaway na pasyente dahil nga naka hospital gown pa ito habang umaakyat sa pader. Although naka jeans na rin naman ito.

Mukhang hirap na hirap ang luko.

At dahil nga sa dakilang chismosa ako ay humakbang ako palapit sa pader na inaakyat nito. Lumingon lingon pa ako sa paligid pero mukhang nakakapansin sa ginagawa ng lalaking to dahil halos wala namang tao sa paligid nitong hospital. At yong mga pumapasok naman ay dirediretso lang rin naman. At saka hindi rin talaga gaanong mapapansin ang kinaroroonan nito dahil sa parteng gilid iyon.

Nakalapit ako na hindi ako napapansin ng lalaking ito dahil nga busy ito sa pag akyat.

Magiging nurse ako kaya obligasyon ko na bantayan ang mga pasyente. At yon nga mismo ang gagawin ko sa isang to. Kung anu man ang dahilan nito sa pagtakas ay wala akong pakialam. Mas makakasama kasi dito kung anu man ang gagawin nito.

Akmang sisitahin ko na ang makulit na pasyente ng biglang may sumigaw mula sa entrance ng hospital. At paglingon ko nga ay naroon ang dalawang nurse at isang babae na alam kong nakita na ang ginagawa ng mokong na to.

"Hala Sir!... Ma'am ayon ho!" sigaw noong isang nurse.

"Hiro! Anu na naman bang ginagawa mo? Bumalik ka dito!" Sigaw noong isang babaeng kasama ng dalawang nurse.

Akala ko ay babalik na ito sa loob dahil nahuli na... Aba ang mokong biglang tumalon pababa. Mukha itong natataranta at hindi alam ang gagawin. Hanggang sa napatingin ito sa direksyon ko.

At hindi ko inasahan ang sunod nitong ginawa.

Bigla akong hinawakan nito sa braso at saka tinangay paalis.

Walking In The WindWhere stories live. Discover now