Chapter 20

175 7 1
                                    

ARON'S POV

Pagkatapos kong ayusin ang mga papel ni Jane ay binisita ko ang kompanya ng Areza. Minsan na lang kasi pumapasyal dito ang Papa dahil sa pagkakasakit nito. Sabi nga nito turuan ko na daw si Jane na patakbuhin ang kompanya pagka graduate nito. Napabuntong hininga na lang ako ng maalala ko iyon.

"O bakit parang may problema ka?" napaangat ang mukha ko ng marinig ko ang boses ni Vickie. Ang secretary ko dito at malapit na kaibigan ko narin.

"Ikaw pala Vim, problema ka diyan!" napangisi ako. "Kamusta naman ang company natin?"

"Doing great Ron at infareness parang lucky gem natin si Elizabeth dahil zero tayo sa costumer claimed. Haha.." napailing ako, para naman saakin e hindi na naiiwasan ang mga complain ng mga pilipino. "Kamusta nga pala si Elizabeth? Kelan mo sya ipapasyal dito?"

Nilingon ko ito. "Okay naman sya. Busy pa kasi sya ngayon sa school e." pagkasabi nun ay yumuko na ulit ako.

"Ron what's your problem?" napatingin na naman ako dito.

"Vim pwede ba tigilan mo ko sa mga tingin mong yan!"

"I know you so well Aron Areza! Noong isang araw lang masaya ka tapos ngayon may kakaiba na sayo na hindi ko matukoy." napatitig ako dito, kilala na talaga ako nito.

"Si Jane kasi, may pagka pasayaw na." pumalatak ito.

"Sabi ko naman sayo ganyan talaga kapag may kapatid na, pasaway talaga ang mga kapatid pero hanggang sa saway lang naman tayo. Mahirap pa yang sayo babae ang kapatid mo."

"Yun na nga ang mahirap naiin-love pa." natawa ito. Anong nakakatawa doon?

"What? Wait, Natural lang naman na ma-inlove yun noh! Bakit hindi mo ba gusto yung gusto nya?" pasimple akong tumango, hindi talaga! I hate that guy! Ewan ko ba.

"Hindi.. as in hindi."

"Baka naman nagiging o.a ka ng Kuya." napailing na lang ako.

"Ako pa ang o.a ha? May girlfriend yung lalaki na yun tapos biglang nagkahiwalay na daw sila at ngayon ay si Elizabeth Jane naman ang nililigawan sa tingin mo okay lang yun?"

"Easy Aron, easy!" lumapit ito saakin at bahagyang minasahe ang balikat ko. Ewan ba kasi talaga at naha-high blood ako sa lalaking iyon.

"Basta naaasar ako. Tara nga gala tayo!" yaya ko. Tagal ko na kasing di nakakapag saya dahil sa sobrang busy ko kakahanap kay Jane at siguro naman ngayon pwede ko na ulit gawin yun.

"Mr. Areza hello? Ang tagal mong nawala so saakin natambak ang mga gawain mo, at hindi ko pa po natatapos yun." napangiwi ako. Oo nga pala.

"Sorry for that my friend, if you want I'll help you tapos samahan mo na  ako." napaikot nito ang mga eyeballs nito.

"Okay sabi mo e.."

******

Sa isang bar kami pumunta ni Vim dahil gusto ko talagang mag happy happy, dati every weekend namin ginagawa ito ni Vim pero dahil sa sobrang busy hindi na namin ito nagagawa.

Umorder pa lang kami ni Vickie ng maiinom ng may nakita akong di kanais nais. Sa isang table nandoon yung lalaking kinababaliwan ni Elizabeth at take note ha? Ang kasama nito ay hindi si Jane kung hindi ang girlfriend nitong si Elah. Magkaholding hands pa ang dalawa at panay pa ang halik ni Elah dito kaya agad na nagdilim ang paningin ko. Sinugod ko ito at inundayan ko ito ng suntok na alam kong ikinagulat ng mga tao doon.

"Aron!" nadinig kong sigaw ni Vickie pero galit na galit talaga ako.

"G*go ka! Ang kapal ng mukha mong sabihing wala na kayo ng girlfriend mo!" sabi ko pero ang loko nginisian lang ako at tumayo ito habang alalay ni Elah.

"Bakit mo sinuntok ang boyfriend ko??" sigaw saakin ni Elah na inaalalayan si Jerry.

"Uto-uto kasi yang kapatid mo!" sabi nito at uundayan ko pa sana ito ulit ng suntok kaso inawat na ako ni Vickie.

"Ron tama na!" hila sakin nito

"You shit! Wag na wag mong sasabihang uto-uto ang kapatid ko! Makikita mo ang kalalagyan mo!"

"Uyyy nakakatakot ka naman!" ngumisi pa ito. "Kahit anong gawin mo ako ang paniniwalaan ni Jane kasi nga uto-uto yun at patay na patay yun saakin." sa narinig ko'y kumawala ako kay Vickie at muli ko itong  pinag sususuntok.

"Wag na wag mong gagaguhin ang kapatid ko! Sira-ulo ka wag na wag ka ng magpapakita saakin ha!?" ewan ko ba at hindi naman ito lumalaban saakin. Ngumisi lang ito at pinunasan nito ang dugo nito sa bibig.

"Let us see." sabi nito na niyaya na si Elah na lumabas.

"Damn!!!" sigaw ko.

"Aron what's happening? Sino ba yun?" tanong ni Vickie.

"Sya yung Jerry, tara na Vim ihahatid na kita! I need to go home para mabalaan ko na kaagad si Jane." sumunod naman si Vickie at halos paharurutin ko ang kotse ko sa pagmamadali.

****

"Where's Elizabeth?" tanong ko kaagad sa isa naming kasambahay ng makauwi ako.

"Sir kanina pa po umalis e.. nagmamadali nga po. Nagbilin lang kay Aling Fely na saglit lang daw po sya." napabuga ako ng hangin.

"Sinabi ba nya kung saan sya pupunta?"

"Hindi po e.." napatango na lang ako dito.

"Okay sige salamat." umupo muna ako sa sofa at sinubukan kong idial ang number nito pero hindi ko ito macontact.

"Aron mag-usap nga tayo." napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Jane, dire-diretso itong pumunta sa may garden at napasunod na lang ako dito. Nandito na pala ito.

"Jane I have something to tell you." umpisa ko pero tila blanko lang ang ekspresyon sa mukha nito.

"Aron ano bang problema mo?" nagulat ako sa tanong niyang iyon. "Wala namang ginagawang masama sayo si Jerry ah!"

"What?!"

"Wag ka ng magmaang maangan! Bakit mo pinagbantaan si Jerry tapos sinaktan mo pa?" nakikita kong may galit na sa mata ni Jane at ano pa nga ba ang nangyari? e di nabaliktad na ako.

"Jane mali ang iniisip mo! I saw Jerry with Elah kaya ko sya nasuntok!" paliwanag ko pero napailing lang ito.

"Tama na Aron! Ano bang gusto mo? Ayaw mo ba akong makitang masaya?" nakita kong namuo na ang luha sa mga mata nito kaya naman nilapitan ko ito pero agad itong umiwas. "Kung ayaw mong magalit ako sayo please lang tigilan mo si Jerry, mahal ko si Jerry." nanlambot ako sa huling sinabi saakin ni Jane. Mahal na nya yung kumag na yun.

"Jane ayoko lang makita kang nasasaktan." sabi ko pero umiling lang ito.

"Hindi mo kailangang pangunahan ang gusto ko." sabi nito habang umiiyak na.

"Jane please paniwalaan mo naman ako. Girlfriend parin ni Jerry si E-

"Tama na! Anong laban sayo ni Jerry? Wala Aron, wala! Kaya sana wag kang gumawa ng istorya!" sabi nito saka ito nagtatatakbo papasok ng bahay. Ako naman, naiwan dito sa garden na nakatulala.

Nabulag na sya ng pagmamahal nya kay Jerry ano ba dapat kong gawin.

Princess ElizabethWhere stories live. Discover now