Chapter 50

242 8 9
                                    

AFTER SIX YEARS...

Nakakainis talaga si Aron, hinihintay ko kaninang umaga na batiin nya ako dahil anniversary namin pero wala man lang akong narecieve na text or tawag. Maaga din daw itong umalis sabi na mga kasambahay namin dahil may aasikasuhin daw ito.

Anyway siguro ganun nga talaga ang mga lalaki, kapag tumatagal na kayo wala na ang mga monthsary at anniversary na yan at lalo na kapag naging mag asawa na kayo kahit daw birthday kinakalimutan na. Hayyy.. tinamad tuloy akong pumasok ng opisina kaya nga tinawagan ko na lang si Vim para mag sabing tinatamad ako.

"Siguro may tampuhan kayo ni A noh?" sabi nito.

"Wala medyo masakit lang ang ulo ko."

"Hmmm.. kilala ko na kayong dalawa," natawa na lang ako dito. "Sige na mag pahinga ka na."

"Sige Vim salamat." nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa doon si Lyza.

"Friend!!"

"Bakit ka nandito?" tanong ko dito. Hindi rin ito pumasok sa opisina? Kasama ko na kasi ito sa opisina e..

"Yayayain sana kitang mamasyal." yayayain?

"Hello bakit alam mong hindi ako papasok? At bakit hindi ka rin pumasok?" umupo ito sa tabi ko at bahagya akong dinilatan ng mata.

"Dahil anniversary nyo ngayon ni Aron." napasimangot tuloy ako. "Why? Hoy nag paalam ako kay Tito Elias ha?"

"Pasalamat ka malakas ka kay Papa." tumayo ako at dumiretso ako sa banyo.

"Wait me. Gumala tayo para hindi ako maburo dito sa bahay."

"Woohh I like that!"

****

Sabi ko gala kami pero bakit si Lyza ang nasusunod kung saan kami pupunta? Bakit kami nandito ni Lyza sa isang hotel na napakaganda? Mukhang mamahalin pero sabi nya sya daw ang taya, himala! Nakakainis pa nga dahil minamadali ako nitong mag lakad lakad. Doon kami lumakad sa malawak na garden ng lugar na iyon at nagtataka ako ng makakita ako ng isang bata na naka costume ng anghel, ang cute cute nito at may dala pa itong rose na inabot saakin.

"For you." sabi nito. Saakin?

"Kunin mo na sayo daw yan diba?" siko saakin ni Lyza kaya sinunod ko na lang tas yung bata nag tatatakbo na palayo.

"T-thank you." sigaw ko na lang tapos hinila na ako ulit ni Lyza. Maya maya na naman ay may lumapit na naman saaking bata na naka costume na anghel tapos may rose na namang ibinigay at noong lumakad na naman kami e parang hindi sila nauubos, hayyy naloloka na ako lalo na nung biglang nawala si Lyza sa tabi ko. Hindi ko na mabilang yung mga bata kaya nga medyo kinabahan na ako. Nagulat pa ako ng makita ko si Papa na nakatayo sa di kalayuan saakin at ngiting ngiti.

"Pa ano 'to?" tanong ko dito matapos akong humalik, sa halip na sumagot ay tumuro ito doon sa mga batang nag bigay saakin ng mga roses na nasa gitna na pala at sumasayaw.

So cute theire dancing with the tune of 'The Gift' in piano. Kahit hindi sila sabay sabay ay nakakatuwa silang panoorin hanggang sa nag tapos ang mga ito na bumuo pa ng korteng heart.

Lumakas lalo ang kabog ng dibdib ko ng biglang lumabas si Aron na naka tuxedo. Anong meron? May hawak itong mic at kumindat pa saakin.

Teka ano bang nangyayari? Para na tuloy kinakarate ang puso ko, lalo na nung bigla itong kumanta. Nakakatawa nga dahil first time itong kumanta dahil hindi ko naman talaga ito napapakanta.

"Sir, I'm a bit nervous 'bout being here today, Still not real sure what I'm going to say so bear with me please if I take up too much of your time. See in this box is a ring for your oldest, She's my everything and all that I know is it would be such a relief if I knew that we were on the same side 'cause very soon I'm hoping that I.."

Napalingon ako kay Pa na parang kilig na kilig at nakangiti kay Aron. Nakakainis yung feeling na hindi ka na mapalagay at ang tangi mo lang kayang gawin ay ang umiyak sa sobrang saya.

"I'm gonna marry your princess and make her my queen. She'll be the most beautiful bride that I've ever seen. Can't wait to smile when she walks down the aisle on the arm of her father on the day that I marry your daughter."

Tumayo si Aron at ang Papa naman ay inalalayan akong mapalapit dito. Iniharap muna ako ni Papa sakanya at pinunasan nito ang luha ko. "I'm happy for the both of you." sabi nito at ibinigay nito ang kamay ko sa naka luhod na palang si Aron. "Take care of my princess." sabi pa nito bago tuluyang umalis.

"Everyday for me is a blessing especially kapag alam kong nandiyan ka at walang sawang nagtitiwala at nagmamahal saakin. You always made my day complete, you always made me smile. I know you're not perfect, but for me your a perfect girl and I know, your going to be a perfect wife for me. My love, my sweetheart, my baby and my angel. Will you marry me?" hindi kaagad ako nakasagot sa tanong na iyon dahil sa pag kabigla at sobrang saya ko, binuksan na nito ang maliit na kahon at nakangiti ito saakin.

"Yes!" tumango ako at nakita kong nag sigawan ang lahat ng tao sa paligid namin. Nandoon na pala ang lahat ng kaibigan ko at kaopisina.

Agad na isinuot saakin ni Aron ang singsing atsaka ako niyakap. "I love you, happy anniversary." bulong saakin nito.

"I hate you." padyak ko pero tumawa lang ito at lalo pang hinigpitan ang yakap saakin. Bahagya nitong nilayo ang mukha saakin at pinunasan nito ang luha ko. Tears of joy.

"I love you. I love you. I love you." ulit nito.

"I love you too." sagot ko at tinawid na nito ang distansiya namin para halikan ako. Ako na ata ang pinaka masayang tao sa buong mundo. Haha..

Hey guys! Salamat sa pag antabay sa love story ko. I am Princess Elizabeth and this is my story... ^_^

****THE END****

Sa love matututunan mo ang lahat ng hindi mo pa natututunan. You learn to be kind, patient, understanding and strong. May pag subok man na dadating sa inyo hindi ka dapat sumuko kaagad instead fight for it lalo na kung nakikita mo talagang dapat syang ipag laban pero kung hindi naman, let him go sa bagay na makakapag pasaya sakanya and someday makikita mo din yung own happiness mo. --mhelamarie

"Every time we make the decision to love someone, we open ourselves to great suffering, because those we most love cause us not only great joy but also great pain. The greatest pain comes from leaving.
Still, if we want to avoid the suffering of leaving, we will never experience the joy of loving. And love is stronger than fear, life stronger than death, hope stronger than despair. We have to trust that the risk of loving is always worth taking."
―Henri J.M. Nouwen

*****

Salamat po sa lahat ng matiyagang bumasa nito hanggang sa huli. Sana po nagustuhan ninyo! End na po ng story at tiyak mamimiss ko si Elizabeth Jane and Aron. :)

Guys don't forget to votes and comment..:)

Follow nyo narin po ako.. muahhhh.. :)

Princess ElizabethWhere stories live. Discover now