Epilogue

73.9K 4.4K 4.6K
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Doc, bakit hanggang ngayon hindi pa rin nagsasalita ang anak ko?"

"Marahil ay dala na ito ng trauma. Wala naman siyang tinamong kahit na ano. Not even a scratch."

"Ma, magiging okay lang si ate."


Nakatulala lamang si Savanna habang nakaratay sa kama ng pribadong silid. Tila ba nalulunod siya sa sariling pag-iisip, walang naririnig sa paligid. Nangingitim ang bawat sulok ng kanyang mga matang 'sing lamig ng nyebe.

Tunay ngang wala siyang tinamong kahit na anong sugat o galos man lang ngunit tila ba may napakalaking nagbago sa kanya.

Sa isang iglap lang ay bigla siyang bumangon at walang pagdadalawang isip na hinugot ang swero. Suot ang manipis na hospital gown, lumabas siya sa silid at nakasalubong ang gulat na gulat na kapatid at ina.

"Ate saan ka pupunta?" tanong agad ni Eddie sa kanya.

"Anak, maupo ka muna," pakiusap naman ng kanyang nag-aalalang ina.

Sinulyapan lamang ni Savanna ang mga ito bago nilagpasan. Gulat na gulat naman si Eddie at ang kanilang ina sa ikinilos niya. 

"Ate, sandali lang!" Mabilis na hinigit ni Eddie ang kanyang braso.

Natigil si Savanna sa paglalakad at mabilis na nilingon ang kapatid. Nagbaba siya ng tingin sa kamay nitong nakahawak sa kanyang braso.

Bigla na lamang umalingawngaw ang napakalakas na hiyaw ni Eddie. Bumagsak ito sa sahig, namimilipit sa sakit.

"Anak!" Mabilis na dinaluhan si Eddie ng kanilang ina, labis na nabahala sa nangyari rito.

Nagpatuloy si Savanna, sa paglalakad na tila ba walang nangyari.


 Walang kaemo-emosyon si Savanna habang naglalakad sa mataong pasilyo ng Westspring Medical Center. Dire-diretso ang kanyang hakbang hanggang sa nakasalubong niya ang isang batang lalakeng nakaupo sa wheelchair, lagas na ang mga buhok nito at ubod ng tamlay. Katabi nito ang isang binatilyo na animo'y nalapnos ang balat mula sa leeg pababa sa mga braso.

Nilapitan niya ang dalawa at kapwa hinawakan ang mga kamay. Nagulat ang dalawa sa kanyang ginagawa, ngunit mas nagulat ang mga ito nang unti-unting lumitaw ang tila ba kulay itim na ugat sa kanyang kamay.

Mula sa pagkakapikit, napasinghap si Savanna at muling napadilat. Binitiwan niya ang mga kamay ng dalawa naglakad palayo, mabilis naman agad siyang sinundan ng tingin ng batang ngayo'y may kulay na ang mukha at binatilyong makinis na ulit ang balat.

Habang naglalakad, nakita niya ang isang itim at may kalakihang jacket na nakapatong sa isang upuan. Kinuha niya ito at ipinaibabaw sa kanyang manipis na hospital gown. Naglakad siya palayo, walang emosyon, at ni hindi man lang lumilingon.

Hunyango (Published under Bliss Books)Where stories live. Discover now