17 : Pieces

49.3K 2.9K 1.3K
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


SAVANNA

Naunang magpaalam si Scotty sa amin na uuwi na. Halata sa mukha niyang pagod na pagod siya at antok na antok na, hindi ko tuloy naiwasang mag-alala lalo't magd-drive raw siya pauwi dahil dala niya ang kotse ng ama niya. Hindi ako nag-aalala para kay Scotty, nag-aalala ako sa maari niyang madamay kung saka-sakaling may mangyaring masama habang nagmamaneho siya sa ganoong kalagayan. 

Bigla na lang tumayo si Burn kaya nakunot ang noo ko. "Burn, saan ka pupunta?"

Nagbaba siya ng tingin sa akin, kunot-noo. "Akala ko ba ituturing mo akong si Trick kapag tayong dalawa lang?"

"Trick." Napabuntong-hininga ako at bahagyang napailing. "Trick, saan ka pupunta?" Sarcastic kong pag-uulit.

Treating him like Trick all the time... it's difficult considering he looks so much like Burn. 

"Sundan natin si Scotty," aniya.

Magandang ideya iyon agad akong tumayo at sumama sa kanya.


Maingat naming sinundan si Scotty habang naglalakad sa madilim na sidewalk. Magaan ang bawat hakbang namin hindi kami nagkikibuan. Patago-tago kami sa bawat kotse, poste o halamanang nadadaanan, umaasang hindi niya kami mamamataan.

Hindi ko namalayan na nakahawak na pala ako sa braso ni Trick lalo't nasa harapan ko siya. Agad akong bumitiw at nagulat ako nang bigla niya akong nilingon.

"What?!" I mouthed as I glared at him.

Hindi siya kumibo at ibinalik ang tingin sa direksyon ni Scotty. Lihim akong nakahinga nang maluwag.

"Psst..."

Nakunot ang noo ko.

"Narinig mo yon?" Bulong ko sa kanya. 

"Ang ano?" Bulong niya pabalik.

Biglang bumilis ang kilos ni Scotty kaya kumilos ulit kami, halos nakayuko na habang naglalakad at papalit-palit ng sasakyan na pinagtataguan upang 'wag niya lang mapansin. 

Sa isang iglap bigla na lang umalingawngaw ang napakalakas na sigaw ni Scotty. Mabilis kaming lumabas mula sa pinagtataguan at laking gulat namin nang makita si Liam sa harapan ni Scotty, pero mas nagulat kami nang makita ang mahabang bagay na lumabas mula sa mga kamay ni Scotty.

A rush of adrenaline overcame as I acted out of impulse. I ran straight towards them and saw how the things that came out of Scotty's palms stabbed Liam's stomach. 

"Savi!" Narinig kong sumigaw si Trick na humabol sa akin.

Liam said something but all I could make out from it was a painful gasp. All of a sudden, the thing that stabbed Liam retracted and went straight back to Scotty's palms. The retraction seemed to be so fast and forceful that Scotty fell to the ground, breathless while looking at his palm.

Hunyango (Published under Bliss Books)Where stories live. Discover now