Chapter ɤ Five

2.9K 89 50
                                    

Chapter ɤ Five

“Totoo?”

            “Oo nga!” pilit ni Christine mula sa kabilang linya. “Bakit ayaw mong maniwala?”

            “Hindi naman sa ayaw kong maniwala...” Dumukot ako ng isang piraso mula sa sitsiryang kinakain ko. Sinubo ko iyon habang nakatingin parin sa screen ng laptop ko kung saan ako nanonood ng movie ngayon. “Pero, kailan pa? I mean, kailan mo pa naging crush si Jig?”

            “Uh...” I mentally picture her rolling her eyes up. “No’ng isang araw?”

            Halos maibuga ko na ‘yong kinakain ko. “Seryoso ka?” matawa-tawang tugon ko.

            “Bakit? Masama ba?” sabi niya na parang isang batang malapit nang umiyak. Tumawa ako ng mahina at napailing na lamang. Pinause ko ‘yung movie na pinapanood ko kasi hindi ko rin naman masyadong maintindihan na.

            “Paano mo nga pala nakuha ‘yong number ko?” tanong ko.

            “I have my sources.” I imagine her smiling and winking from the other side of the line. Tumawa nalang ulit ako. Hindi ko alam kung paano nangyari pero mas naging close na kami ni Christine ngayon. Lagi ko siyang kasabay mag-lunch at lagi na rin kaming nagkukwentuhan. However, I’m still having that fear–that fear of losing someone close to me again that’s why I’m distancing myself a little from her. Kaya gan’on na lamang ang pagkagulat ko noong biglang tumunog ‘yung phone ko at mag-appear ang isang unregistered number. And we’re talking for like... two hours now?

            “And, oh, speaking of Jig,” simula ni Christine. “Papunta na siya ngayon sa apartment mo.”

            “Ano?!” sigaw ko at montik nang mahulog ‘yung cellphone ko mula sa kamay ko.

            “Aayain kasi kitang pumunta sa The K pero alam kong tatanggi ka, so pinapunta ko si Jig dyan para wala kang kawala.” At that, tumawa ng malakas si Christine at ako naman itong napanganga dahil sa dalawang bagay. Una, hindi ko akalaing aayain ako ni Christine pumunta sa club. At pangalawa, pupunta si Jig dito sa apartment ko!

            “Ayokong sumama!” sabi ko.

            “Come on, Saph! Minsan lang ‘to. Unwind a little bit. Hindi ka ba nasi-stress sa trabaho?”

            “Hindi ako umiinom.”

            “I’m not going to ask you to drink or dance, okay? I just want your presence there,” paliwanag ni Christine.

            “Pero... hindi ako pumupunta sa mga club.”

            “Uh, it’s better to try something new once in a while, right?” sabi ni Christine. “You’re old enough. Saka, sosyal ‘yung club na ‘yon. Pangmayaman daw sabi ni Thea.” She giggles. At wala na nga akong nagawa kung hindi ang magbuntung-hininga na lamang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nero & Sapphire (hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon