Chapter ɤ Four

2K 65 19
                                    

"INTERESTING!!"

-juvijuvz

x●●x

 Chapter ɤ Four

Hindi ako masyadong nakatulog noong bumalik ako sa kama.

            Hindi ko maiwasang mag-isip kung guni-guni ko lang ba ‘yon o kamukha lang talaga ng motorsiklo ni Nero ‘yung motorsiklong nakaparada sa katapat na apartment ko. Saka isa pa, hindi naman sa pagmamaliit, pero janitor siya. Isang maintenance staff sa ospital na pinagta-trabahuhan ko, kaya paanong mangyayaring mas afford pa niyang umupa ng apartment na mas mahal kaysa sa akin?

            Bumangon ako ng kinakamot ang ulo ko. Huwag mo na ngang abalahin pa ‘yung isip mo sa pag-iisip ng bagay na ‘yon, Sapphire. Hinawi ko ng kaunti ‘yung kurtina at sumilip doon sa bintana. Nagbuntung-hininga ako noong makita kong wala na doon ‘yung motorsiklo at maging ‘yung mga kahon na nakakalat sa lawn kaninang madaling-araw.

            ‘Nababaliw na yata ako,’ sabi ko sa isip ko. Lumakad ako palayo doon nang umiiling. Sumulyap ako sa orasan na nasa study table ko. Halos 10:30 na ng umaga. Pumunta ako ng banyo at saka naligo. Pagkaraan ng ilang minuto ay natapos na din ako at dumiretso na sa kitchen na nasang unang palapag ng apartment. Two-storey ang apartment ko na ‘to, may maliit na lawn ngunit walang garahe.

            Binuksan ko ‘yung ref at kumuha ng isang ready-to-go sadwich. Hiniwa ‘yung tinapay ng pa-triangle at may palamang ham at cheese. I bought this two days ago. Hindi pa naman siguro siya sira dahil nakalimutan ko siyang kainin kagabi. Lumabas ako ng apartment at ini-lock ‘yung pintuan. I push my keys inside my pants’ right pocket at inayos ‘yung strap ng bag sa balikat ko. Lumingon ako doon sa kabilang apartment habang naglalakad. Mukhang walang tao. Guni-guni ko nga lang ba ‘yon?

            Sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa address nang bookstore kung saan ako nagpa-part-time job tuwing weekend. Si Tita Rosario ang sumalo sa akin noong namatay ang mga magulang ko. Siya ang nagpaaral sa akin dito sa Maynila. Inaya niya nga akong umuwi nalang ng probinsya pero ang sabi ko ay gusto kong makipagsapalaran sa lungsod na ito. I’m having my hopes up for fortune in this city. Kaya naman kumuha ako ng sarili kong apartment. Si Tita Rosario ang nagbayad ng rent noong unang buwan, ngunit noong naging stable na ko sa ospital, ang sabi ko’y ako na ang bahala. Yet, she’s still sending me some money every month, though it’s not that big dahil may-ari lang siya ng isang di-gaanong kalaking grocery store sa probinsya.

            Noong nandoon na ko sa bookstore ay agad akong pumasok sa loob. Napatingin ako doon sa babaeng may tulak na pushcart na puno ng libro. May suot siyang bilog at makapal na salamin at kulot ang kulay brown niyang buhok. Ngumiti siya sa akin noong makita niya ko. “Hi, Sapphire!”

            I smiled back at her. “Hello, Gale. Magbibihis lang ako.” Tumango siya at nagpatuloy na sa pagtulak noong pushcart para mag-restock ng mga libro sa bookshelves. Pumunta ako ng CR at saka nagpalit ng uniporme:  gray skirt, white short sleeves top at gray vest. Isinuot ko na rin ‘yung black na high heels. Lumabas ako at inilagay ang mga gamit ko sa ibaba ng counter, sa may cash register.

Nero & Sapphire (hiatus)Where stories live. Discover now