PROLOGUE

3.5K 92 24
                                    

PROLOGUE

Isa lang naman ang ipinagtataka ko noong unang beses ko siyang nakita.

            Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang siyang makatitig sa akin na para bang matagal na kaming magkakilala. Ni minsan ay hindi niya ko kinausap noong panahong ‘yon pero sa pamamagitan lamang ng mga titig niya ay parang sobrang dami na niyang ipinaparating sa akin.

            Hindi ko rin alam kung nagkakataon lang ba, dahil lagi ko siyang nakikita kahit na saanman ako pumunta. Ang anino niya, parang pakiramdam ko’y laging nakasunod iyon sa akin.

            Kinikilabutan ako. Dahil kahit sa pagtulog ko ay ang mga mata niya ang nakikita ko. His dark eyes. They are like black holes that absorb every speck of light.

            Kapag tiningnan mo siya, para lamang siyang isang normal na lalaking naghahanap-buhay. Pero ang kakaiba sa kanya ay walang kahit katiting na emosyong mababakas sa mukha niya. Lagi rin siyang may suot na cap o kaya’y jacket na nakataas ang hood para takpan ang ulo niya.

            He walks with his shoulders hunched, head low and hands inside his pockets. He’s like shutting the whole world out. He likes being alone. Isolated.

            I don’t know his name, where he lives, where he came from, who his friends are or what his favorite color is.

            Dahil una sa lahat, wala talaga akong pakialam. Pero mayroong kung ano sa akin na parang nahahatak papunta sa kanya. Papunta sa mundo niya.

            Last Tuesday night, ang akala ko’y isang normal na gabi lamang ulit ‘yon noong papauwi na sana ako galing sa duty ko sa isang ospital. But I was wrong.

            Something terrible happened. And at that exact moment, my questions had been answered. I already knew who he was. Or maybe, what he really was.

 

Miss Author's Note:

 Dedicated kay Ate iamKitin kasi pareho naming love si Sehun. XD Kekeke~ 

~Nikkidoo *u*

Nero & Sapphire (hiatus)Where stories live. Discover now