Chapter 22

163K 8.8K 2.9K
                                    

AN/ It took more than an hour to finish this chapter. Lol. This is SPG. (but I think lang naman, 'di naman ako too much mag-SPG. Konti lang? I don't usually use direct words. HAHA. Alright, I am imagining things. ) Happy reading! Please skip if ayaw n'yo. 

To feel the BS ( lol ) you can hear the music Beautiful Chinese Music - Big Fish on youtube by TaiGekTou.

Chapter 22

Panimula ng pagpupunla

Kanyang bawat hakbang ay tila may sariling patnubay, kanyang mga mata'y para lang sa akin, kanya bisig na tila'y isang magaang papel lamang ang buhat at puso naming kapwa tumitibok na may iisang ritmo.

Aking katawa'y kinilala ang matinding atraksyon, mga kamay kong kusang umagat upang kanyang mukha'y damhin ng aking mga palad, pilit pinagdikit ang aming mga noo kasabay nang mainit naming paghinga.

Tanging ingay mula sa mga halamang lumalapat sa kasuotan ng hari ang aking naririnig, kanyang nagmamadaling mga yabag at ang kanyang nakatutunaw na tinig.

"Leticia..."

Humaplos ang aking ilang daliri sa kanyang pisngi at tinugon ang tawag sa aking ngalan. "Dastan..."

Ang init na tila'y higit sa apoy ay mas lalong sumiklab nang maramdaman kong may marahang itinulak ang hari gamit ang kanyang mga paa. "S-Saan tayo patungo aking hari?"

"Sa lugar na tanging ako lang ang nakaalam... tayo..." ngumiti ako habang nanatiling nakapikit.

Nakaramdam ko ng saglit na pagyanig ng lupa at paggalaw ng tila isang malaking bato. "Bakit hindi ka magmulat aking reyna?"

"Ngunit ako'y higit na kinakabahan..." nag-aalangang sagot ko. Dapat ay maging tapat ko sa kasalukuyang nararamdaman ko. Ito ang aking unang pagkakataon, wala akong sapat na kaalaman sa tamang pagtanggap ng punla.

"Ano ang nais mong gawin ko upang matanggal ang iyong kaba, Leticia?" umiling ako sa kanya.

"Hindi ako alam, Mahal na Hari..."

Para akong isang nauupos na kandila nang sandaling lumapat ang kanyang labi sa mga mata ko. "Nais kong kilalanin mo ang lugar na siyang magiging saksi ng ating pag-iisa... aking mahal."

Huminga ako nang malalim at dahan-dahan iminulat ang aking mga mata, nagniningas na apoy sa kanyang mata ang siyang unang sumalubong hanggang sa marahan ko itong igalaw at sinimulang maglakbay sa buong kapaligiran.

"Ito'y isang sekretong hardin na konektado sa aking punong simbolismo." Nang mapansin ng hari ang aking pagkamangha ay hinayaan niya akong bumaba sa lupa at pagmasdan ang kabuuan nito.

"P-Paanong hindi ito nakikita mula sa palasyo?"

Ang sikretong hardin ng hari ay nasa loob ng tila malakristal na gusali kung saan malayang tumatama ang sinag ng araw o buwan, tila may mahika itong taglay dahil ang balat ng hari na siyang tinatamaan ng sinag ng araw ay hindi nasasaktan. Maraming iba't-ibang uri ng berdeng halamang gumapapang na siyang nagsabit sa itaas dahilan kung bakit hindi tuluyan natatanggap ang buong sinag ng araw, nagsabog ang iba't-ibang uri ng bulaklak at ilan pa'y may mga prutas.

"Ito'y nasa ilalim ng lupa." Agad akong napalingon sa hari.

"P-Paanong direkta itong nakatatanggap ng sinag ng araw?" marahang inangat ng hari ang kanyang kamay at may itinuro ito na siyang pinaka-sentro ng kristal na gusali.

"Nakikita mo ba ang malaking ugat na nasa gitna? Mula ito sa aking punong simbolismo na siyang sumasagap ng liwanag mula sa araw, buwan o mga bituin. Ang ugat nito ang siyang nagbibigay buhay sa harding ito, Leticia." Lumawak ang ngiti ko sa aking labi.

Moonlight Blade (Gazellian Series #4)Where stories live. Discover now