Chapter 23

10.3K 433 122
                                    

***PLEASE DON'T FORGET TO VOTE IF YOU LIKED IT!***

Again, sorry guys sa napakatagal na update. Grabe talaga. Kung miss niyo magbasa, miss na miss ko magsulat. Kaso ayun. Trabaho mode. Tapos ang layo pa ng commute ko. kaya walang time. Sorry. Sana maintindihan niyo. :(

CHAPTER 23

"Aray ko! Teka lang naman! May galit ka ata sakin eh!" Ryan shouted.

Napagulong na lang ang mata ko. Ni hindi ko pa nga masyadong dinidiinan eh ngumangawngaw na siya. Kanina pa kami pinagtitinginan ng mga tao dito sa Serenitea.

"Para ka namang bata! Asan tapang mo ngayon?"

Napasimangot si Ryan sabay buntong-hininga. "Sige na. Di na ko aangal. Pero dahan-dahan naman! Masakit eh," utos niya.

This time, natawa na lang ako. Parang ewan talaga to. Kanina kala mo kung sinong siga. Ngayon naman na pinupunasan ko lang yung sugat niya at dinadampian ng yelo para di mamaga, para namang batang papainjectionan.

Nakakaloka talaga ang mga lalaki.

As gently as I could, dinampi ko ulit yung yelo na binalot ko ng panyo sa may labi at pisngi niya. Naramdaman kong nanigas ung katawan niya pero salamat naman at hindi na siya nagreklamo. Matagal na umiral ang katahimikan habang nilinis ko yung mga sugat niya.

After a while, his hand covered mine and he moved it away from his face. Kinuha niya din yung yelo mula sa kin at ibinaba. Nung tignan ko siya ulit, pansin ko na seryoso na yung mukha niya.

"Andreia."

"Hmm?"

"Gago pala talaga yung ex mo eh no?" he said without any preamble. Nagulat ako sa una sabay natawa na lang. With everything that's happening now, saktong sakto ung words niya tungkol kay Mike.

"Di naman sya ganun dati," sagot ko.

"But we're not talking about the past. We're talking about now—as in present tense."

I sighed. "Ewan ko nga bakit siya nagkaganoon. I wish I knew sooner ano ung mga nangyayari. Natulungan ko sana siya at hindi sana umabot sa ganito. Pero on another note, masaya na din ako. It's easier to move on this way."

I felt Ryan's gaze on me and it was so intense.

"You're better off without an asshole like that," sambit niya.

Hindi na ako nagcomment. Alam kong totoo ang mga sinabi niya pero sa akin na lang yun. Ayokong maging yung babaeng bitter. Ung babaeng sinisiraan ang ex niya sa lahat ng tao. Hindi ako ganun. Past is past and the only thing I can do is move on.

Instead of answering, I just shrugged and sipped my milk tea. Tumingin ako sa labas ng glass window. Kakaiba kasi tumingin si Ryan. He was one of those guys with this really intense gaze. Hindi yung tipong manyak. Yung tipong pag tinignan ka eh feeling mo para kang isang bukas na libro at nababasa niya na ang lahat tungkol sa iyo. It was unnerving as hell.

"So. Kayo ni Reeve... Is that like a done deal?" tanong niya matapos ang mahabang katahimikan. Sa sobrang gulat ko, pumasok yung milk tea na sinisipsip ko sa lalamunan ko at sa baga ko. Ang tagal kong umuubo bago ako nakapagsalita. Si Ryan naman, tumatawa habang hinahampas yung likod ko.

"Pwede next time yung mga tanong na ganon eh kung kelan hindi ako umiinom?"

Ryan threw back his head and laughed. Napatingin yung tatlong babae sa table katabi namin. They looked at Ryan like they wanted to devour him alive. I rolled my eyes again. Kapag magkakasama kami ng mga kaibigan ko, ganoon din naman kami makatingin sa mga gwapo.

Distance Is Just A Number [Taglish]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon